Filpino priest-scientist kasalukuyang gumagawa ng oral vaccine panlaban sa COVID-19 at variants nito

  • Isang Filipino-American na pari at scientist na kasalukuyang nakabase sa Amerika ang gumagawa ngayon ng oral vaccine
  • Ang bakunang ito ay panlaban sa COVID-19 at mga mas nakahahawang variants nito
  • Hindi man 100% ang efficacy ng nasabing oral vaccine, sinisiguro naman ng priest-scientist na magiging sapat na proteksyon pa rin ito laban sa COVID-19

Patuloy ang ginagawang pananaliksik at pagde-develop ng mga siyentipiko sa buong mundo ng mga bakuna laban sa COVID-19. At dahil lumalabas na rin ang iba pang variants ng coronavirus na mas nakakahawa kumpara sa unang variant nito, panibagong bakuna muli ang kinakailangang i-develop.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via Facebook

Isa ang Filipino-American na si Fr. Nicanor Austriaco sa mga gumagawa ngayon ng paraan upang makapag-develop ng vaccine laban sa COVID-19 at variants nito. Bukod sa pagiging pari, isa ring scientist si Fr. Austriaco na fellow ng OCTA Research Group ng University of the Philippines (UP) at propesor ng biology at theology sa Providence College sa Rhode Island sa Amerika.

“We are developing two vaccines now—one for the original virus and we have some for the variants as well,” ani Fr. Austriaco sa kanyang panayam sa GMA News kamakailan.

Gawa sa pangkaraniwang probiotic yeast (Saccharomyces boulardii) ang oral vaccine na kasalukuyang dine-develop ng dominican priest at molecular biologist. Hindi tulad ng ibang COVID-19 vaccine na itinuturok sa mga pasyente, ang kanyang bakuna ay isang pill na hindi umano sensitibo sa temperatura.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via Facebook

“We genetically engineered this yeast so it will produce the spike protein of SARS-CoV-2 in your body,” pahayag pa ni Fr. Austriaco. Ang oral vaccine pill ay maaari umanong ihalo sa tubig, gatas, o kahit pa sa alak.

Siniguro ni Fr. Austriaco na uubra ang kanyang vaccine laban sa COVID-19 at iba pang variants nito, subalit aminado rin siya na hindi 100 percent immunity ang maipagkakaloob nito sa mga magte-take ng oral vaccine, pero mainam na proteksyon na rin umano laban sa COVID-19.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via Facebook

“I do not expect that an oral vaccine like this is going to have efficacies as high as mRNA vaccines made by Pfizer and Moderna, but my hope is, it is high enough that it will allow a Filipino not to go to a hospital if he gets sick” dagdag pa ng priest-scientist.

Sa ngayon, target umano ni Fr. Austriaco na makagawa ng bakuna kontra COVID-19 na mayroong 80-85%  efficacy rate. “Earliest is maybe by Christmas, maybe we have studies from people, and if it works, I have to find someone to manufacture in the Philippines, and we have to figure out how to distribute it,” dagdag pa ng pari.


Loading...
Source :

Facebook, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: