Fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, bukod sa pagiging professional surfer Viva artist na rin

  • Inanunsyo kamakailan ng Viva Artist Agency ang pinakabago nilang rooster talent
  • Ito ay ang fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, kilala rin bilang isang professional surfer
  • Ngayon ay pareho nang nasa Viva management sina Andi at Philmar na kasalukyang aktibo sa social media platforms

Bago maging “super mom” ng tatlong anak, unang nakilala ang 30-anyos na si Andi Eigenmann bilang isang magaling na aktres sa telebisyon at pelikula. Bagama’t anak ng mga beteranong aktor, gumawa ng kanyang sariling pangalan si Andi sa showbiz.

Imahe mula Instagram

Taong 2017 nang talikuran ni Andi ang industriya upang maging full-time mom. Napagdesisyunan na rin niyang permanenteng manirahan sa isla ng Siargao kasama ng kanyang mga anak at partner na si Philmar Alipayo.

Kilala bilang professional surfer si Philmar na noong 2017 ay gumawa ng kasaysayan matapos tanghaling panalo sa 19th Siargao National Surfing Cup, ang kauna-unahang Philippine Surfing Championship Tour event sa bansa.

Imahe mula Instagram

Habang wala sa dagat, makikita si Philmar sa social media platforms nila ni Andi lalo na sa kanilang vlog. Sa kanilang mga video, mapapansin ang pagiging kwela at mapagbiro ni Philmar na mahilig din sumayaw kasama ang panganay na anak ni Andi na si Ellie.

Kaya naman hindi na nakapagtataka nang ianunsyo ng Viva Artist Agency kamakailan na isa si Philmar sa pinakabagong miyembro ng kanilang rooster of talents. “We are glad to announce that Philmar Alipayo is now part of our growing family,” ayon sa Instagram post ng Viva.

Imahe mula Instagram

Matatandaan na bagama’t hindi na aktibo sa showbiz si Andi, parte pa rin siya ng Viva family. Ni-repost ng dating aktres ang anunsyo ng Viva at binati ang kanyang fiance, “Welcom to the VIVA fam mahal!” ani Andi na na-engage kay Philmar noong December 2020.

Unang nagkakilala si Andi at Philmar nang magbakasyon ang aktres sa Siargao. Nagsimula sila bilang magkaibigan hanggang kinumpirma ang relasyon noong 2018. Ngayon ay mayroon na silang anak, ang 2-years old na si Lilo at ang three-month-old na si Baby Koa. Kasama rin nilang naninirahan sa isla ang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: