
- Sa isa ngayong viral post, ibinahagi ng guro ang tungkol sa kanyang estudyante sa online class
- Tulad ng ibang estudyante, aktibo at nakikilahok ang estudyante sa discussion, subalit malimit itong wala sa screen
- Ang estudyante pala ay nagtatrabaho sa construction site habang nakikinig sa kanyang online class
Sa pagdaan ng mga buwan, marami na ang nasanay at nagamay ang new normal sa edukasyon. Subalit marami pa rin ang nabibigla dahil sa mga nagva-viral na kuwento tungkol sa mga guro, estudyante, o kanilang mga magulang na labis ang sakripisyo para sa pag-aaral.

Kamakailan ay isang guro mula sa Bulacan ang nagbahagi ng kanyang kuwento habang nagtuturo sa isa niyang online class. Ang kuwento na ito ay nag-viral sa Facebook at umani na ng 123,000 reactions mula sa netizens.
Ayon sa FB post ni Professor Justin Veras, isang estudyante ang nakapukaw ng kanyang attention sa kanyang itinuturong subject na Computer Engineering Program.
“Habang nagdidiscuss ako, He participates in my class by answering some of my questions about the history,” ani Prof. Veras. Hanggang sa humingi umano ng paumanhin ang kanyang estudyante dahil kasalukuyan daw siyang nasa construction site.

Dagdag pa ng college professor, hindi niya muna pinansin ang paumanhin ng estudyante dahil nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo. Hanggang sa narinig nga niya ang ingay ng mga nagpapala, napansin din niya ang hagdan sa screen ng nasabing estudyante, at iba pa na nagsasaad na ito nga ay nasa construction site.
“It shows that he is working while listening to my lecture, then maya-maya sya babalik sa cp screen niya to give his opinion about the topic… and my heart was really touched. GRABE!” saad ni Veras.
“Could you imagine how students dealt with this situation under the new normal education system. Sa totoo lang kahit akong teacher napapagod at nahihirapan sa sistema. Pero, nahiya ako sa sipag ng estudyanteng ito,” dagdag pa ng propesor na hindi inakalang magba-viral ang kanyang post.
At upang matulungan na rin ang nasabing estudyante, hinikayat ni Prof. Veras ang netizens na nais magbigay ng tulong pinansyal na magpadala sa Gcash (GCASH: 09070515122), “maybe we can contribute for his financial obligation in school like miscellaneous fees and etc.”