Enchong Dee matutupad na ang pangarap na makapagpatayo ng sariling paaralan: ‘I always equate education to empowerment’

  • Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Enchong Dee na malapit nang matupad ang matagal na niyang pinapangarap na makapagpatayo ng sariling paaralan
  • Kasama ang business partners, bubuksan nila ang “Academy of Rock (AOR) Philippines”
  • Ang nasabing paaralan ay nakasentro sa pagbibigay ng “quality music education” para sa mga Pinoy

Sa ead na 32, halos lahat na yata ng pinapangarap ng athlete-actor na si Enchong Dee ay kanya nang nakamit. Bukod sa pagiging celebrity, isa na ring matagumpay na vlogger, endorser, model, at entrepreneur ang Kapamilya actor.

Imahe mula Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ni Enchong na isa sa matagal na niyang pinapangarap ay malapit na rin niyang makamit: ang pagpapatayo at pagbubukas ng kanyang sariling paaralan dito sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Enchong ang magandang balita tungkol sa pagpapatayo niya ng sariling paaralan. “I always equate education to empowerment. Kapag may kaalaman ang isang mamamayan mas malayo ang naabot na mga pangarap,” ani ng aktor.

“It’s been a dream to open up my own school, and so I’m proud to announce that my partners and I are opening Academy of Rock (AOR) Philippines, a totally different team from the former,” dagdag pa ni Enchong.

Imahe mula Instagram

Kasama ang kanyang business partners, itatayo nila ang Academy of Rock Philippines na mayroong unang branch sa Singapore. Ayon sa website ng AOR Singapore, ang AOR ay isang “award-winning music school dedicated to popular music education.”

Unang nagsimula ang AOR noong 2007 na mayroong mission na maghatid ng “progressive, inclusive environment” para sa mga taong nais magkaroon ng “popular music education.”

“This is one of the few businesses that I will personally supervise to make sure that the quality of music education will be at par with our Singaporean counterpart,” dagdag pa ng aktor.

At dahil nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa, siniguro ni Enchong na ang sinumang nagnanais mag-enroll sa AOR Philippines ay magiging ligtas mula sa COVID-19. “And yes, one classroom one student policy kami,” pahayag ng aktor.

Para sa mga karagdagang detalye at inquiries, mag-message lamang sa Instagram page AOR Philippines @academyofrockph


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: