Dahil sa kakulangan ng ward sa ospital, pasyente sa loob na lang ng sasakyan na-‘admit’

  • Ibinahagi ng isang emergency room doctor ang kanyang hindi malilimutang karanasan simula noong nagkaroon ng pandemya
  • Ayon sa doktor, mayroon siyang pasyente na dahil hindi na ma-accommodate sa loob ng ospital at tents, sa loob na lang ng sasakyan nanatili ng halos 24 oras
  • Makikita sa larawan na kanyang ibinahagi na nasa labas ng sasakyan ang oxygen tank at IV stands para sa pasyente

Marami nang mga pasyente at doktor na nakaranas ng labis na paghihirap sa gitna ng COVID-19 surge ang nagbabahagi ng kanilang mga kuwento sa social media.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Isa si Dra. Jamie Ysabel Amposta, emergency doctor sa Cavite, sa mga nagbahagi kamakailan ng kanyang hindi malilimutang karanasan simula noong magkaroon ng pandemya.

Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Dra. Amposta ang larawan ng isang pulang sasakyan habang sa labas nito ay makikita ang oxygen tank at IV fluid stand. Nilagyan niya ito ng caption na: “In Cavite, a person manages to get ‘admitted’ to a hospital. But since there are no beds available, the oxygen tank and IV tubes are brought out to the car where the ‘patient’ stays to be treated.”

Sa kanyang panayam sa Philippine Star, sinabi ni Dra. Amposta na ang pasyente na nasa loob ng sasakyan ay kanya mismong nakausap.

“Madaling araw ‘yan nagpunta po sa ER namin ‘yung patient. Hindi naman siya hingal pero 70% percent na lang ang oxygen saturation niya na dapat ay 95 and above.”

Imahe mula kay Dra. Jamie Ysabel Amposta via Facebook

Subalit dahil wala nang available na kuwarto at higaan sa ospital at maski sa “makeshift” tents ay punuan na rin, ipinaliwanag umano ng doktora ang maaari nilang maibigay na pangangalaga sa pasyente.

“Pinaliwanag ko po sa family nang maigi na I can give them management and labs pero nandiyan lang sila and may hourly payment ng ER stay. Pumayag po sila,” ani Dra. Amposta. “Even the IV stand gawa ko na lang ‘yan kasi ubos na rin. One COVID-patient needs 2-4 IV stands,” dagdag pa niya.

Pagkatapos umano ng 24 oras na pananatili sa loob ng sasakyan ay nailipat na rin ang 66-anyos na pasyente sa tent area ng ospital. Pahayag pa ni Dra. Amposta, hindi niya akalain na sa anim na taon niya bilang ER doctor ay makararanas siya ng ganoon klaseng sitwasyon.

“Don’t shout at us if we say we can’t accommodate you anymore because wala na talaga. To our patients who understand, thank you po for your little treats just because we accommodated you kahit nasa parking lot and wheelchair lang kayo. You uplift us that way.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: