Community pantry sa Pasig hindi kailangan ng permit, ayon kay Mayor Vico Sotto: ‘Wala po tayong permit to help’

  • Inihayag ng DILG official kamakailan na kinakailangang kumuha ng permit ang mga nagnanais na magtayo ng community pantry sa lugar
  • Kalaunan ay binawi rin ang pahayag na ito at sinabing kailangan na lamang nilang makipag-coordinate sa local government unit
  • Kabilang sina Mayor Vico Sotto at Mayor Isko Moreno sa mga nagsabing hindi kinakailangan ng permit kung magtatayo ng community pantry

Maraming Pinoy ang napataas ang kilay at kalaunan ay naguluhan sa pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na kinakailangang kumuha ng permit ng mga nagnanais magtayo ng community pantry sa kanilang lugar.

Imahe mula Facebook

“I think now they need [a] permit from the local, mayor, or the barangay. Una, paisa-isa lang yan. Ngayon kaso dinumog na ng tao, ibig sabihin wala nang control pati yung protocol ngayon ay na-violate na,” ani Diño sa isang pahayag.

Subalit kalaunan ay binawi rin ang pahayag na ito at sinabing hindi na kailangang kumuha ng permit ang organizers at makipag-coordinate na lamang sa local government unit upang maipatupad pa rin ang health and safety protocols kontra COVID-19.

“There is no requirement for a permit. But organizers must coordinate with the LGUs. This is a local issue and we defer it to the LGU concerned,” ani DILG Secretary Eduardo Año.

Imahe mula sa Facebook

Upang hindi na magkaroon ng kalituhan, ilang opisyales na ng lungsod ang nagpahayag sa kanilang mga residente na nagbabalak maglunsad ng community pantry na hindi na nila kinakailangan pang kumuha ng permit.

Isa na rito si Pasig City Mayor Vico Sotto na sinabing hindi kailangang hanapan ng permit ang mga nagnanais tumulong.

“Some Community Pantries have sprung up in Pasig. (more than 30 by my unofficial count.) We commend the individuals who are helping as they can afford. Government has limited resources, so any effort to help others is very welcome.”

Imahe mula sa Facebook

“Para sa mga nagtatanong, hindi kailangan ng permit para gawin to. Wala po tayong ‘Permit to Help,'” ani Mayor Sotto. Matatandaan na nagsimula ang community pantry sa Maginhawa, Quezon City subalit kalaunan ay nahinto ito dahil sa naganap na “red-tagging” sa organizers.

Hindi lamang si Mayor Sotto kundi pati si Manila City Mayor Isko Moreno ay may katulad na pahayag tungkol sa pagkukuha ng permit. “We won’t require permits. Good deeds need no permit. Directive to MPD: walang huhulihin at pagbabawalan na community pantry sa Manila. We encourage Manilans to show compassion, care, and love to one another,” ani Mayor Isko.