Batanes isa na muling COVID-free province

  • Muling tinawag na COVID-free ang probinsya ng Batanes matapos gumaling ang huling limang aktibong kaso na naitala rito
  • Matatandaan na ang Batanes ang pinakahuling lungsod sa Pilipinas na nagkaroon ng kaso ng COVID noong nakaraang taon
  • September noong nakaraang taon nang maitala ang kauna-unahang COVID-19 case sa Batanes pagkatapos ng walong buwan na pagiging COVID-free

Sa panahon ngayon na mayroong pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 lalo na sa NCR Plus, mukhang malayo pa na makapagdeklara sa mga lugar na ito ng COVID-free.

Imahe mula Facebook | Breathtaking Batanes

Subalit kamakailan lamang, isa sa mga sought-after tourist destinations sa bansa ang idineklara muling COVID-free matapos maka-recover ang mga huling naitalang active cases sa probinsya. Ito ay ang northernmost province of the country, ang Batanes.

Idineklara na ng Department of Health regional office na lahat ng huling limang aktibong kaso sa probinsya ng Batanes ay gumaling na. Isa sa mga ito ay mula Uyugan habang ang lima naman ay mula sa quarantine facility sa Basco.

Sa kabuuan, sampung kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa probinsya. Matatandaan na ang Batanes ang pinakahuling lugar sa bansa na nakapagtala ng kaso ng COVID-19 noong nakaraang taon.

Imahe mula Facebook | Breathtaking Batanes

Simula nang magkaroon ng coronavirus outbreak sa bansa noong March 2020, halos walong buwan ang lumipas bago nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Batanes.

September at October nang unang maitala ang dalawang pinakaunang kaso sa probinsya, mga locally stranded individual na bumalik sa Batanes sakay ng eroplano ng Air Force. Agad naman silang pinag-quarantine upang hindi na makahawa ng ibang residente.

Nakapanayam ng CNN Philippines noong August 2020 si Batanes governor Marilou Cayco at dito ay ibinahagi niya ang kanilang mga hakbang upang mapanatiling COVID-free ang probinsya.

Imahe mula Facebook | Breathtaking Batanes

Ayon sa gobernador, ipinatupad nila ang “early lockdown” sa probinsya simula noong December 2019, at naka-monitor din umano ang kanilang local government tungkol sa coronavirus update.

Umabot na sa one million mark ang dami ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Mahigit 74,000 dito ang active cases.