Bagong panganak ang ina, abo na lang ang ama: Pari ibinahagi ang malungkot na kuwento ng pamilyang nagka-COVID

  • Ikinuwento ng isang pari ang naging karanasan ng pamilyang tinamaan ng COVID-19
  • Nagpositibo ang lahat ng miyembro ng pamilya; ang ama, ang ina at ang bagong silang nitong sanggol
  • Ang mas nakalulungkot, ayon sa pari, ay yumao ang padre de pamilya nang hindi man lang nakakausap ng kanyang asawa at nasisilayan ang bagong silang na anak

Umabot na sa mahigit 29,000 reactions at 7,000 shares ang post ng isang pari mula sa Philippine General Hospital tungkol sa nakalulungkot na kuwento ng isang pamilya na labis na naapektuhan ng pandemya.

Imahe mula kay Fr. Marlito Ocon via Facebook

Ayon sa kuwento ni Father Marlito Ocon, head chaplain sa PGH, noong huling dumalaw siya sa ospital ay nakausap niya ang bagong panganak na ginang na nagpositibo sa COVID-19. Ang nakalulungkot dito ay maging ang bagong silang na sanggol ay nagpositibo rin sa coronavirus.

“A young pregnant Mother X brought herself alone to PGH ER when she started to labor. She left her husband at home because he had fever and was coughing but they never thought it was COVID,” ani Fr. Ocon.

Nang makarating sa PGH at matagumpay na naisilang ang sanggol ay saka nila nabalitaan na sumakabilang-buhay na ang ama ng tahanan dahil sa COVID-19.

“While she and her baby were still fighting and struggling for life, news broke out that her husband died of COVID at home,” kuwento pa ng pari.

Imahe mula kay Fr. Marlito Ocon via Facebook

Bilang pari, tungkulin umano nina Fr. Ocon na bisitahin ang COVID-19 patients sa PGH upang ipagdasal ang mga ito at ang kanilang paggaling. Aniya, naramdaman niya ang paghihirap na pinagdaraanan ng ina habang kinukwento ang mga pangyayari sa kanyang pamilya.

“Ang lungkot, Father. Wala na akong asawa na mauwian, abo na ang asawa ko. Di man lang kami nagkausap. ‘Di ko man lang maibalita na may second baby na kami. Di man lang sila nagkita ng anak namin,” ang nabanggit umano ng ginang sa pari.

Imahe mula kay Fr. Marlito Ocon via Facebook

Dahil umano sa mga narinig ay hindi agad nakapagsalita si Fr. Ocon. “I know that any words can’t explain enough why horrible things like this happened. But I realized that it is in our deep, deep silence and it is when we run out of words, and when theology can’t explain enough, that our faith can speak louder.”

Sa ngayon ay patuloy na nagdarasal ang ina upang malampasan nila ng kanyang pamilya ang malaking pagsubok dala ng COVID-19.

“Kapit lang sa itaas, patuloy na manalig at umasa na ang Diyos ang in control ng lahat, all shall be well in the end. Mananaig din ang kabutihan sa huli. Patuloy lang lumaban hindi niya tayo pababayaan,” ayon naman kay Fr. Ocon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: