Babae sa Indonesia na mayroong ‘Sleeping Beauty Syndrome,’ kayang makatulog ng hanggang 2 linggo

  • Isang dalaga mula sa Indonesia ang kayang tuloy-tuloy na matulog hanggang halos dalawang linggo
  • Siya ay may rare condition na tinatawag na “Kleine-Levin syndrome (KLS)” o “sleeping beauty syndrome”
  • Sa ngayon ay muling naganap ang episode ng KLS sa dalaga at hindi pa sigurado kung kailan ito magigising

Ano ang pinakamahabang oras ng iyong pagtulog? Minsan ay nakararamdam tayo ng sobrang antok na umaabot sa lagpas sampung oras ang ating naitutulog. Subalit may ibang tao na kayang matulog hindi lamang ng isang buong araw kundi maski isang linggo… o mas matagal pa!

Imahe kuha mula sa video ng Official iNews via YouTube

Isa ang 17-anyos na si Siti Raisa Miranda, o kilala rin sa tawag na “Echa,” sa mga mayroong rare medical condition na tinatawag na “Kleine-Levin syndrome (KLS)” o “sleeping beauty syndrome.” Isa tao lamang mula sa isang milyong populasyon ang tinatamaan ng ganitong klaseng medical condition.

Unang lumabas sa publiko ang sleeping beauty syndrome ni Echa noong 2017 matapos siyang magtuloy-tuloy na matulog sa loob ng 13 na araw. Dahil sa pangamba ay pinatingin ng kanyang mga magulang si Echa at dito na nga nalaman na mayroon siyang KLS.

Kuwento ng kanyang ama na si Mulyadi Miranda, sa tuwing walang episode ng KLS ang kanyang anak ay katulad rin niya ang ibang kabataan. “If it weren’t for the syndrome, everything would be normal. She’d go to school and play with her friends. Even during the pandemic, she was doing pretty well in her online lessons and classwork.”

Imahe kuha mula sa video ng Official iNews via YouTube

Hindi matitiyak kung kailan magkakaroon ng KLS episode si Echa, subalit isa lamang ang tiyak ng kanyang mga magulang, maaari itong mangyari kapag ang kanilang anak ay nakatulog na.

Unang naranasan ni Echa ang sleeping beauty syndrome noong siya ay 13 anyos. Halos isang linggo umano siyang tuloy-tuloy na natulog.  Sa tuwing nagkakaroon ng KLS episode ay dinadala ng kanyang mga magulang si Echa sa ospital para sa inpatient care. Umuuwi rin ang mga ito kalaunan matapos lumabas ang normal result sa mga examination na ginawa sa dalaga.

Imahe kuha mula sa video ng Official iNews via YouTube

Dahil isang rare medical condition, wala pa umanong gamot para sa KLS. Upang maiwasan ng mga pasyente na sumailalim sa KLS episode ay pinapainom ang mga ito ng gamot upang mabawasan ang kanilang drowsiness o labis na antok.

Ayon sa pag-aaral, ang karaniwang sintomas ng sleeping beauty syndrome ay labis na pagkaantok at excessive eating. Maaari din umanong makatulog ang mga taong may ganitong kondisyon ng isang araw o maaari ding umabot ng buwan.

Nagbigay ng paliwanag kaugnay sa sleeping beauty syndrome ang YouTube channel ng “The Infographics Show”:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: