Aso na hindi na makalakad matapos mabundol, inulan ng tulong mula sa netizens

  • Humingi ng tulong ang isang netizen para sa aso na hindi makalakad matapos itong mabundol
  • Upang kahit papaano ay matulungan ang alagang aso, ang nagmamay-ari nito ay pansamantalang gumawa ng improvised wheel chair
  • Dahil sa post ng netizen, inulan ng tulong ang nasabing aso na nakatanggap ng bago at magandang wheelchair

Iba’t ibang grupo ang matatagpuan sa Facebook;karamihan sa mga ito ay naka-public habang ang iba naman ay naka-private at kailangan pang sumagot ng ilang katanungan bago makasali.

Imahe mula Facebook

Iba’t iba ang hangarin ng mga naglipanang Facebook group, at ang ilan sa mga ito ay ginawa upang makatulong sa kapwa at mga hayop. Isa na nga rito ang Facebook group na “DOG LOVERS PHILIPPINES” na ngayon ay mayroon nang mahigit 740,000 members.

Isa ang post ng miyembro ng nasabing FB group na si Susan Alcantara Monterde sa mga umani ng atensyon ng iba pang miyembro. Humihingi kasi ng tulong si Susan para sa isang aso na nabundol at kasalukuyang hindi makalakad.

“Dog lover din po ako, at may 3 akong alaga aso,” ani Susan. “Kaya po ako nag-join dito nagbabakasakali na may mabuting puso na makatutulong po sa isang aso na nabundol,” dagdag pa ng uploader.

Imahe mula Facebook

Dahil umano sa nangyari sa asong si “Buchok,” hindi na ito makalakad at ginawan na lamang ng improvised wheelchair. “Hindi po siya napagamot ng may-ari sa kadahilanang hindi nila kaya ang gastos para dito, kaya ginawan na lang siya ng improvised na wheelchair.”

Bukod sa wheelchair ay sinusuotan din si Buchok ng diaper upang kung sakali ay dito na lamang umihi at dumumi. Nilinaw naman ni Susan na ang kanyang post ay upang humingi ng tulong para sa aso, “wala po [akong] ibang hangad kundi ang matulungan siya na magkaroon kahit wheelchair lang po.”

Imahe mula Facebook

Agad naman na bumuhos ang tulong para kay Buchok. May isang netizen ang agad na nagbigay sa kanya ng mas magandang wheelchair, at  mayroon ding mga nagnanais na magbigay ng pinansyal na tulong para maipagamot si Buchok.

Bukod sa pagbuhos ng tulong, marami ring netizens ang nagpasalamat sa nagmamay-ari kay Buchok dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang alagang aso.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: