‘From bestfriends to lovers? It’s a prank!’ Arci Muñoz at JM de Guzman, marami ang napaniwala tungkol sa kanilang ‘relasyon’

  • Maraming news outlets at articles online ang nagsilabasan matapos na tila kinumpirma ni Arci Muñoz ang diumano’y relasyon nila ni JM de Guzman
  • Sa kanilang social media account ay nakakikilig ang mga larawan na ibinahagi ng dalawa
  • Subalit sa vlog ni Arci kung saan makikitang pumunta ang kanyang buong pamilya sa Boracay kasama si JM, ay isiniwalat niya ang katotohanan tungkol sa kanilang relasyon

Marami ang kinilig nang lumabas ang balitang mayroong relasyon ang dating magkaibigan na sina Arci Muñoz at JM de Guzman. Lumabas ang mga balita at artikulo online nang mag-post si Arci sa kanyang Instagram account ng larawan kasama ang kanyang buong pamilya at si JM.

Imahe kuha mula sa video ni Arci Muñoz via YouTube

“Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment.  On me vlog tomorrow,” ang inilagay na caption ng aktres kasama ang hashtag na “from best friends to lovers.” Kaya naman marami ang napaniwalang tungkol ito sa kanila ni JM.

Bukod kay Arci, nagbahagi rin si JM sa kanyang Instagram account ng sweet na larawan nila ni Arci habang ito ay nakaakbay sa kanya. Wala mang caption ay nilagyan naman niya ito ng in love emojis.

Sa short video na ibinahagi ni Arci, makikita rito si JM na nakangiting nagtanong sa kanya kung maaari ba itong manligaw.  Marami man ang nabitin, isiniwalat naman ni Arci sa kanyang recent vlog ang tunay na estado ng relasyon nila ni JM.

Imahe kuha mula sa video ni Arci Muñoz via YouTube

Sa kanyang vlog ay makikita ang buong pamilya ni Arci kasama si JM na pumunta sa Boracay upang magbakasyon bago ipinatupad ang ECQ sa NCR Plus. Masaya silang nagkaroon ng picnic at inuman hanggang sa pumunta na sila sa beach side upang tunghayan ang sunset.

Makikita ang nakangiting si JM habang sinasabing, “matagal na tayong mag-bestfriend…” at inilabas ang bouquet of roses. “Puwede bang manligaw?” tanong ng aktor, agad naman siyang sinagot ng aktres ng “no!” na may kasama pang flying kick.

Imahe kuha mula sa video ni Arci Muñoz via YouTube

Ang eksena pala na ito ay front lamang sa tunay na motibo ng kapatid ni Arci na si Manolet Muñoz. Ipinasa ni Arci ang bouquet na iniabot sa kanya ni JM sa kapatid na si Manolet na lumuhod naman sa harap ng nobya na si Kris upang mag-propose.

Agad na inilabas ni Manolet ang singsing at tinanong ang nobya ng “will you marry me?” na sinagot naman ni Kris ng “yes!”

Panoorin dito ang buong video:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: