Andi Eigenmann sinagot ang isyu tungkol sa pagtanggi niya na magpa-picture sa mga bakasyunista sa Siargao

  • Sa kanyang Instagram story, sinagot ni Andi Eigenmann ang isyu tungkol sa pagtanggi niyang magpa-picture kasama ang ilang bakasyunista sa Siargao
  • Isang netizen ang nag-post tungkol sa dalawang beses na pagtanggi ni Andi na magpa-picture kasama sila
  • Nilinaw ni Andi na tinalikuran na niya ang showbiz upang mamuhay nang simple, ngunit may pagkakataon din na pumapayag siyang magpa-picture

Isang netizen ang nag-post sa Facebook page na SIARGAO LOCAL TRAVEL GUIDE kung saan ay sinabi niyang dalawang beses umanong tumanggi si Andi Eigenmann na magpa-picture kasama siya at ang mga bisitang bakasyunista sa Siargao.

Imahe mula Instagram

“This post is not to discredit Andi but we just want to know if the humble Andi on social media is the same as Andi in real life because I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us. We don’t judge her, we just want to know what your experience was when you tried to take a picture with her,” ayon sa post.

Umabot kay Andi ang nasabing FB post. Sa kanyang sunod-sunod na Instagram story ay sinagot niya ang isyu tungkol sa hindi niya pagpayag na magpakuha ng litrato kasama ang mga bakasyunista.

“Let’s finally address this,” ani sa caption ng aktres kalakip ng screenshot ng FB post. Kasunod nito ay ang kanyang mga video habang nagpapaliwanag ng kanyang side.

Imahe mula Instagram

Ani Andi, inakala niyang maiintindihan ng mga tao ang pagtanggi niyang magpa-picture simula nang talikuran niya ang showbiz noong 2017. Subalit naiintindihan na rin umano niya na mananatili siyang kilalang personalidad dahil sa kanyang pagba-vlog.

“And the last thing I want is for you guys to misinterpret it or think that it means I don’t appreciate all of your support,” ani Andi patungkol sa suporta na natatanggap ng kanyang YouTube channel.

Bagama’t kilala pa ring personalidad, nakiusap si Andi na respetuhin ang kanyang pribadong buhay dahil malayo na umano ito kumpara noong nasa showbiz pa siya.

Imahe mula Instagram

“I also hope that you understand that I’m human also. There are a lot of reasons why I moved here in the island, one of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is.”

Sinabi rin ni Andi na may pagkakataon na pumayag siya sa photo op requests ng mga bakasyunista sa Siargao, subalit halos buong araw na umano ay iyon lang ang ginawa ng kanyang pamilya. May pagkakataon umano na may kailangan silang gawin bilang pamilya, “sana you would also understand na tao lang din kami kagaya n’yo.”


Loading...
Source :

Instagram, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: