‘Akala n’yo aso’t pusa lang puwede igala’: Lalaki namataang hila-hila ang isdang nasa aquarium

  • Nakuhanan ang isang lalaki habang hila ang isdang nasa aquarium
  • Sa Facebook, kinaaliwan ng marami ang litrato ng lalaki pa para bang ipinapasyal ang isda katulad ng kung paano iginagala ang mga alagang aso at pusa
  • Una nang ibinahagi ang litratong ito sa Reddit kung saan nakakuha ito ng iba’t ibang reaksyon

May mga alagang pambahay lang. Mayroon din namang puwede mong isama saan ka man magpunta. At marahil, mayroon kang kalayaang mamili kung saan, basta lamang natitiyak mo na hindi ito makasasama sa kanya.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, kinaaliwan ng marami ang litrato ng lalaki pa para bang ipinapasyal ang isda katulad ng kung paano iginagala ang mga alagang aso at pusa.

“Akala n’yo aso at pusa lang ang puwede igala,” saad ng nag-post ng larawan na nagdala ng good vibes sa social media users.

Una nang ibinahagi ang litratong ito sa Reddit kung saan nakakuha ito ng iba’t ibang reaksyon. May mga sumang-ayon at mayroon din namang hindi nagustuhan ang ginawang ito ng lalaki. As of posting, wala pa rin ibang detalye o sagot sa tanong ng mga tao kung ano ba talaga ang naisipan niya at sa ganoong paraan niya dinala ang isda.

“I’m assuming that this is just for temporary transportation so they’re not holding onto the heavy container for a while. Still a little odd,” kumento ng user na si fabelhaft-gurke.

“I never thought to try doing that while carrying my smaller tanks around. This would save me so much soaked shirts,” sabi ni handsomej128.

“Unless the entire trip is on a super smooth road, that fish is still in for a bumpy ride. I do like the idea but my marching band roll-stepping prepared me for carrying fish long distances without sloshing,” ani ThatQueerWerewolf.

“I feel like this actually isn’t a terrible idea for transporting the fish,” wika naman ni tinytraggot. “That’s a big fish. So if he carried it in his hands, the container would be heavy and the fish would get sloshed around a bunch. But this way, the water stays level.”

Image captured from Reddit

Loading...
Source :

Facebook, Reddit

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: