68-anyos na lola nagla-live selling pa sa social media, nag-aasikaso rin sa sorting at shipping ng items

  • Nang maganap ang pandemya noong nakaraang taon, naisipan ng isang 68-anyos na lola mula Rizal na maghanap ng ibang pagkakakitaan
  • Dito na niya naisipan ang pagla-live selling ng mga ukay-ukay sa social media bilang bagong hanapbuhay
  • Siya rin ang nag-aasikaso sa sorting at shipping ng mga ipadadalang items sa buyers

Age is just a number…’ ika nga nila, lalo na sa panahon ngayon na bawat miyembro ng pamilya ay kailangang magtulong-tulong para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Mabuti na lamang at ang teknolohiya ay walang pinipiling edad, maaari itong pag-aralan ng kahit na sino.

Imahe mula Facebook

Usong-uso ngayon ang live selling sa social media tulad sa Facebook. Bukod kasi sa convenient ito, marami rin ang potential buyers dahil sa lawak ng sakop ng Internet. Ito ang pinasok na kabuhayan ng 68-anyos na si Lola Nenita Bolaños mula Binangonan, Rizal.

Maraming netizens ang humahanga kay Lola Nenita dahil hindi naging hadlang ang kanyang katandaan upang magawa niya ang kalimitang ginagawa ngayon ng kabataang nais kumita, isa na nga rito ang Facebook live selling.

Ngayon ay nagtitinda si Lola Nenita ng mga ukay-ukay na damit gamit ang interface ng Facebook na live video. Dito ay real-time na ipinapakita ang mga items na ibinebenta at ang mga viewers nito ay maaaring mag-comment ng “mine” kung nais nilang bilhin ang ipinakitang item. Mas dumarami rin ang viewers kapag sine-share ito ng ibang netizens.

Imahe mula Facebook

Kuwento ng lola, noong una ay ang kanyang manugang ang gumagawa ng live selling. Subalit kinailangan nitong manganak noong September 2020 kaya siya muna ang pumalit. Noong una umano ay kinakabahan pa siya dahil hindi siya sanay na humarap sa camera, hanggang sa nagdaan ang ilang araw nakasanayan at na-enjoy na rin niya ang pagla-live selling.

Si Lola Nenita ay mayroong walong anak at 12 na mga apo, at ibinahagi niya na ilan sa kanyang mga anak at ibang kapamilya ay tutol sa kanyang pagtatrabaho dahil sa kanyang edad. Ganun pa man, ipinagpatuloy pa rin ni Lola Nenita ang hanapbuhay para matustusan ang sarili tulad ng pambili ng mga gamot at supplements.

Imahe mula Facebook

Mula 8 PM na umaabot hanggang 11 PM ang live selling ni Lola Nenita at kumikita umano siya ng halos P3,000 kada araw. Marami rin ang sumusuporta sa kanyang buyers at suppliers. Bukod sa mismong pagla-live sell, ang lola rin ang nag-aasikaso sa sorting, packing, at shipping ng items.

“Kung pwede ka pa naman gumawa ng paraan, kailangang gumawa ka ng paraan,” ani Lola Nenita.

Tama ka po!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: