15-anyos na artist, ginawang canvas ang pader ng kanilang kuwarto; kumikita na rin ngayon dahil sa sining

  • Hinangaan ng maraming netizens ang 15-anyos na artist dahil sa kanyang ginawang obra sa loob ng kanilang bahay
  • Ginawa kasing canvas ng nasabing artist ang pader ng kanilang kuwarto tampok ang magandang tanawin
  • Ayon sa nanay ng artist na siyang nagbahagi ng obra ng anak online, kumikita na rin ang kanyang anak dahil sa paggawa ng artworks

If you raise your children to feel that they can accomplish any goal or task they decide upon, you will have succeeded as a parent, and you will have given your children the greatest of all blessings.”

Imahe mula Facebook | No Bella via News5

Tiyak na ang mga magulang ang unang-unang mga tagahanga at tagasuporta ng mga bagay o plano na ginagawa o binibigyang dedikasyon ng isang tao. At dahil sa kanilang walang-sawang pagmamahal, pagsuporta, at paniniwala sa mga anak ay nagiging matagumpay ang mga ito sa kanilang hangarin.

Sa Facebook, ibinahagi ng username na No Bella ang mga larawan ng ipinagmamalaki niyang 15-anyos na anak dahil sa ginawa nitong obra. Subalit hindi lamang ito guhit sa papel o canvas kundi ang buong pader ng kanilang kuwarto ang ginawang canvas ng kanyang anak na si Atasha.

Imahe mula Facebook | No Bella via News5

Ibinahagi ng News5 Facebook page ang mga larawang ito na umabot umano sa mahigit 10,000 likes nang i-upload ng nanay ni Atasha. Sa kanyang obra, makikita ang nakabibighaning tanawin na binubuo ng mga puno, pink sky, at ilog na animo’y nagbibigay ng sariwang pakiramdam na tila nasa presensya ka rin ng kalikasan.

“Mahilig siyang mag-paint ng kung anu-ano, shoes, bags until this pandemic wala kaming mabilhan ng canvas, kaya naisipan niyang pintahan ang room nilang magkapatid and I’m so proud of her. Her sister was so amazed and proud of her too,” kuwento ng nanay ni Atasha.

Imahe mula Facebook | No Bella via News5

Nagagamit din umani ni Atasha ang kanyang talento sa ibang bagay. Siya ang itinanghal na president ng KATRIBO art club sa kanilang eskuwelahan. Sa murang edad, kumikita na rin umano siya ng pera dahil sa mga ginagawang obra. Ang pera ay kanya umanong ipinangbibili ng ilang mga gamit para sa sarili.

“Just continue to inspire the young generation that amidst of this pandemic, may ways pa rin to continue your passion and turn your boredom to motivation. Use the extra time to expand your creativity and skills,” paalala kay Atasha ng kanyang mga magulang.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: