
- Muling nakipagkita si Basel kay Jeffrey, ang delivery biker para na naman sa isa pang surpresa
- Inalok niya ang rider ng permanenteng trabaho sa kanyang Korean Mart na agad namang tinanggap ni Jeffrey
- Muling naging emosyonal ang rider dahil bukod sa permanenteng trabaho ay may starting bonus pa siya
Noong nakaraang vlog ng The Hungry Syrian Wanderer, binisita nito si Jeffrey Sioson, ang viral delivery biker upang maghatid ng sako-sakong cat food para sa kanyang mga alagang pusa.

Bukod pa riyan, nagbigay din si Basel ng pera bilang tulong kay Jeffrey dahil hindi naman araw-araw ay kumikita siya sa pagde-deliver. Maraming netizens ang naantig sa vlog at ang iba ay hiniling na sana’y i-hire na lang ni Basel ang rider dahil masipag naman ito.
Hindi nga sila nabigo dahil muling nakipagkita si Basel para sa isa na namang surprese sa rider — ang bigyan siya ng permanenteng trabaho bilang isa sa mga staff ng kanyang Korean Mart.
Pinapunta ni Basel si Jeffrey sa isa sa kanyang mga branch ng Yolo Retro Diner. Matapos siyang magpakain, inalok niya agad si Jeffrey ng trabaho. Ngunit hindi naman ito sapilitan dahil pinapili niya si Jeffrey at baka ok na sa kanya ang kasalukuyan niyang trabaho bilang delivery rider.
Subalit hindi na nagdalawang-isip pa ang rider. Tinanggap niya agad ang alok na trabaho dahil sunog na rin daw ang balat niya sa kaka-deliver sa ilalim ng init ng araw.

Sako-sakong cat food handog ni Basel sa viral delivery rider na isa ring cat rescuer
Dinala siya ni Basel sa Yeoboseyo Korean Mart kung saan siya magtatrabaho. Pinasuot na agad sa kanya ang bagong uniform para makapagsimula siya. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang pa-surpresa ng Syrian vlogger. Binigyan pa siya nito ng starting bonus na siyang dahilan upang maging emosyonal na naman si Jeffrey kagaya noong unang binigyan siya ng pera ni Basel.
Sinabi naman ni Jeffrey na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya at maaasahan siya.
Ipinakilala siya ni Basel sa iba pang staff at agad naman siyang winelcome.
Maaaring hindi na matanggap si Jeffrey sa ibang pag-aaplyan dahil sa edad niya na 39 ngunit hindi si Basel tumitingin sa edad o anumang requirements sa mga magiging empleyado niya. Kailangan lamang ay masipag ito, may dedikasyon at tapat sa kanilang trabaho kung saan taglay na ito ni Jeffrey.
Panoorin ang vlog ni Basel dito.