Tira-tirang pagkain o pagpag, laman-tiyan para sa maraming Pilipino sa gitna ng pandemya

  • Muling naglalabas ng dokumentaryo ang Kapuso Network tungkol sa mga Pilipinong kumakalam ang sikmura ngayong may kinahaharap ang bansa na pandemya
  • Para sa maraming mahihirap, panlaman-tiyan ang mga tira-tirang pagkain o pagpag dahil hindi sapat ang kanilang makakain sa araw-araw
  • Ayon sa survey na lumabas noong September 2020, nasa 7.6 million na mga Pinoy ang nagsabing hindi sapat ang kanilang pagkain

Kamakailan ay pumalo sa mahigit 720,000 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19  sa bansa. Bumalik na rin sa mas mahigpit na enhanced community quarantine ang Manila at mga kalapit na lungsod na tinawag na “NCR Plus.”

Imahe mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Dahil sa COVID-19 surge, muling naghigpit ang pamahalaan lalo na sa NCR Plus kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng coronavirus. Ipinagbawal muli ang paglabas sa bahay dahil sa nagaganap na lockdown sa iba’t ibang lungsod, at ilang negosyo rin ang muling isinara pansamantala.

Kabilang sa mga umaaray sa nagaganap ngayong pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang mga mahihirap na Pinoy na itinuturing na “isang kahig, isang tuka.” Patuloy na dumarami ang mga Pinoy na nawalan ng trabaho at hanggang ngayon ay bagsak pa rin ang ekonomiya ng bansa.

Kaya naman maraming mahihirap na Pinoy ang nagtitiyaga na lamang sa mga tira-tirang pagkain o tinatawag din na “pagpag” bilang panlaman-tiyan sa gitna ng pandemya.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via Facebook

Muling maglalabas ng dokumentaryo ang GMA News tungkol sa ilang Pinoy na umaasa sa pagpag upang mayroong makain. Ayon sa inilabas na datos ng SWS Survey noong Setyembre 2020, nasa 7.6 million households ang nagsabing hindi sapat ang kanilang pagkain.

Sa inilabas na teaser ng GMA News, isa si Tatay Ben sa mga Pinoy na umaasa sa pagpag o tira-tirang pagkain na nagmumula sa mga restaurant. Subalit dahil sa pandemya ay mas humirap umano ang kanilang sitwasyon dahil halos wala nang natitirang pagkain at buto na lang umano ang natitira sa kanila.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via Facebook

Matatandaan na noong Enero 2020 ay naglabas din ng dokumentaryo ang Reporter’s Notebook na may pamagat na “Tira-tirang pagkain o pagpag, bumubuhay sa mahihirap na pamilyang Pilipino.”

Kung noon ngang wala pang pandemya ay umaasa na sa tira-tirang pagkain ang mga mahihirap na Pinoy, ano na lang ang kanilang kalagayan ngayon kung saan maski ang mga hindi maituturing na mahihirap na mga Pinoy ay kinakapos na rin sa makakain?

Panoorin dito ang dokumentaryo ni Atom Araullo na may pamagat na: Krisis ng Sikmura:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: