Spiderman topper na ‘nagligtas’ ng cake sa tuluyang pagkasira, kinaaliwan sa social media

  • Kinaaliwan ng social media users ang larawang ng isang cake na waring iniligtas ng Spiderman topper mula sa tuluyang pagkasira
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Reah Anito Cañete ang litrato ng Spiderman-themed cake na hindi sinasadyang nasira habang nasa loob ng kahon
  • Ngunit hindi natuluyan ang cake matapos maitukod ng Spiderman topper ang mga kamay nito sa kahon

Isa ang cake sa mga pinakamahahalagang pagkain sa lamesa kapag mayroong mga selebrasyon at handaan. Iba’t iba ang disenyo. May kanya-kanyang tema pa na madalas ay sumasalamin sa mga hilig at paborito ng taong nagdiriwang — katulad na lamang ng isang cake na nagva-viral kamakailan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Reah Anito Cañete ang litrato ng Spiderman-themed cake na hindi sinasadyang natibag habang nasa loob pa ng kahon. Agad na kinaaliwan ng mga netizen ang larawang ito dahil sa porma ng Spiderman topper na waring pinipigilan ang nahulog na layer ng cake sa tuluyang pagkasira.

Makikita na kahit natibag ang buong layer sa taas ay nananatili pa rin ito na halos buo.

“Spiderman, tunay kang hero,” natatawang saad ni Cañete sa caption ng larawan na ibinahagi niya. Sumang-ayon naman sa nag-upload ng imahe ang libo-libong social media users na nakakita ng viral niyang post.

“Buti na lang nariyan si Spiderman para hindi tumaob lalo ‘yong top layer ng cake,” saad ng isa sa mga nag-share ng litrato na si Jas Percival Mamanta.

“Legit savior,” kumento ni Naomi Faith Velasco Epol.

“Si Spiderman malakas pa pero iyong cake pagod na,” wika naman ni Alexandria Dinah Apphia.

As of posting, nakakuha na ng lampas 82,000 reactions at mahigit 118,000 shares ang nasabing litrato. Sa kabila ng nangyari sa cake, may maganda pa rin nangyari dahil nakapaghatid ito ng tuwa hindi lamang sa nagdiriwang kung hindi pati na rin sa mga taong may kanya-kanyang pinagdadaanan sa gitna ng nakasusubok na panahon na katulad nito.

Image via Pixabay

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: