Single na kababaihan ngayon, mas gusto ang ‘dad bod’, ayon sa survey ng isang online dating site

  • Sa isinagawang pag-aaral ng isang online dating site kamakailan, lumabas na mas gusto ng kababaihan ngayon ang mga lalaking may “fats” 
  • Nasa 75% ng kababaihan na lumahok sa survey ang nagsasabing mas nais nila ang ‘dad bod’ kaysa mga katawan ng kalalakihan na may muscle
  • Lumalabas na maaaring isa sa mga dahilan ng pagbabago ng preference ng kababaihan ngayon ay dahil sa pandemya

Naging kilalang term at parating mababasa online ang mga salitang “dad bod,” tumutukoy sa katawan ng lalaki na malaki ang tiyan at mga braso—karaniwang tumutukoy sa katawan ng mga ganap nang tatay.

Imahe mula Freepik

Ayon sa survey na ginawa kamakailan ng online dating site na dating.com, lumabas na mas gusto ng kababaihan sa panahon ngayon ang mga lalaking mayroong dad bod kumpara sa mga lalaking may muscles.

Lumabas na mula sa 2,000 kababaihan na nakilahok sa survey, 75% sa mga ito ang mas nais ang lalaking may dad bod kumpara sa mayroong mga muscles o abs. Ang survey ay isinagawa via e-mail subalit hindi inilabas ng online matching site kung saan galing na mga bansa ang kababaihan na nakilahok sa kanilang survey.

Ayon pa sa dating.com, ang terminong “dad bod” ay hindi lamang tumutukoy para sa kalalakihan, naging “umbrella term” na rin umano ito ng “societal expectations” pagdating sa katawan.

Imahe mula Freepik

Sa panayam kay dating.com vice president Maria Sullivan ng Business Insider India, sinabi niya na ang pagbabagong ito ng preference ng kababaihan pagdating sa natitipuhang katawan ng kalalakihan ay maaaring may kinalaman sa pandemya.

“Singles are beginning to embrace more body types as they know the struggle of staying in shape during the pandemic,” ani Sullivan. Dagdag pa niya, “dad bods are bringing a whole new level of confidence and body positivity to singles as others are beginning to embrace and prefer a more common body type than the fit and chiseled figure.”

Sa panahon din ngayon, marami umano sa mga single ang mas pinipili na lang na mag-focus sa pagkilala sa isang tao. “Singles are now spending less time worrying about the way their body looks and spending more time getting to know other singles without feeling self-conscious about the way they look.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: