Sharon Cuneta may mensahe sa celebrities, influencers na nagpapabayad para magkalat ng fake news: ‘Ikinahihiya ko sila!’

  • Sa isang virtual press conference sa kanyang homecoming movie, tinanong si Sharon Cuneta tungkol sa celebrities at influencers na binabayaran para magkalat ng fake news
  • Sinabi ng megastar na ikinahihiya niya ang mga personalidad na nagkakalat ng fake news sa social media
  • Unang inilabas ng isang news organization ang ulat tungkol sa celebrities at influencers na binabayaran upang magkalat ng pekeng balita

Nagkaroon ng virtual press conference ang tinaguriang “homecoming movie” ni Megastar Sharon Cuneta sa ilalim ng Viva Vilms na may pamagat na “Revirginized.” Makakasama niya sa pelikula si Rosanna Roces sa direksyon ni Darryl Yap.

Imahe mula Instagram

Habang sumasagot ng mga katanungan sa nasabing press conference, nabanggit kay Sharon ang tungkol sa napabalitang mayroong celebrities at social media influencers ang binabayaran upang magkalat ng fake news online.

Unang naibalita ang pagkakalat ng fake news ng mga nabayarang celebrities at influencers ng isang news organization. Nagbigay naman ng kanyang sariling opinyon ang Megastar na naranasan ding alukin ng malaking pera upang mag-endorse ng mga pulitiko at produkto.

“Oh my God, ikinahihiya ko sila! Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, o-offer-an ka nang milyon-milyon para sila endorsohin mo,” ani Sharon na hindi umano kahit kailan nagpabayad para i-endorse ang pulitiko na hindi naman niya gusto.

Imahe mula Facebook

“Lagi akong… I rather go with this one kahit matalo kasi ‘yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay,” dagdag pa ng megastar. Ayon pa sa kanya, ang pagbabayad ng malalaking halaga sa mga kilalang personalidad upang maging endorser ay nangyayari na kahit noon pa man.

“Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero ‘yung produkto, parang palpak ‘to or ‘yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok,” pahayag pa ng beteranong aktres.

Imahe mula Instagram

Ang kanyang dahilan umano kaya siya tumatanggi sa mga personalidad o produkto na ie-endorse ay dahil baka madismaya ang kanyang mga tagahanga, masira ang kanilang tiwala at mawala ang kredibilidad niya bilang isang kilalang personalidad na matagal niyang binuo sa industriya.

May mensahe rin si Sharon sa mga personalidad na nagpapabayad upang magkalat ng fake news, “Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it? Ginagamit mo ‘yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita.”

“Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” mariing pahayag ni Megastar.


Loading...
Source :

Instagram, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: