Sharon Cuneta bumili ng LV collar worth P20k para sa ampong aspin: ‘You will become a prince’

  • Kamakailan ay naibalitang umampon ng asong Pinoy o aspin si Sharon Cuneta at ito ay pinangalanan niyang “Pawi”
  • Ayon kay Ate Shawie, matagal na siyang naghahanap ng maaalagaang aso hanggang sa mapunta siya sa Olongapo at lumapit sa kanya ang isang stray dog
  • Ibinahagi ng aktres sa kanyang social media na binilhan niya ng Louis Vuitton collar si Pawi na nagkakahalaga ng  P20k

Tila isang pelikula ang pagkakaroon ng alagang aso ni “Megastar” Sharon Cuneta dahil sa mga pangyayaring naganap at naging suporta ng social media. Matatandaan kamakailan ay ipinahanap ni Ate Shawie ang asong lumapit sa kanya nang minsan siyang mapunta sa Olongapo, Pampanga para sa shooting ng kanyang bagong pelikula.

Imahe mula Instagram

Kuwento ng Megastar, lumapit ang isang stray dog at idinikit ang ulo nito sa hita ng aktres. Sa pagkakataong iyon, hindi na umano nalimutan ni Ate Shawi ang galang asong Pinoy o aspin kaya naman agad niya itong ipinahanap at humingi rin siya ng tulong sa social media.

Nangako ang aktres na kung makita ang nasabing aso ay bibigyan niya ito ng magandang tahanan, maayos na pagkain, at ligtas na kapaligiran. Matagal na rin umano siyang naghahanap ng aalagaang aso at naniniwala siyang ang stray dog na lumapit sa kanya ang nakatakda upang maging alaga niya.

‘You will become a prince’: Sharon Cuneta adopts a stray aspin from Olongapo

Pagkatapos ng ilang araw ay nakita na rin ang nasabing aspin sa tulong ni Jervy Castillo mula sa The Homeless Dog Shelter sa  Subic.  Pinangalanan niyang “Pawi” ang aspin at tuluyan nang inampon noong nakaraang linggo.

Imahe mula Instagram

“You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you…I will make the rest of your years happy and you will NEVER have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe… You will become a PRINCE and be loved like you’ve never been loved before!” ang mensahe pa ni Sharon.

At pinanindigan nga ng beteranong aktres ang kanyang pangako na magiging prinsipe ang asong si Pawi dahil kamakailan ay binilhan niya ito ng Louis Vuitton collar mula pa sa Italy na nagkakahalaga ng mahigit P20,000 ayon sa online store na eBay.

“Pawi boy, your collar is on its way home from Italy. Now I’m just waiting for you!” ayon sa post ng aktres kalakip ang larawan ng Louis Vuitton collar.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: