
- Ang boodle fi
ght ay isa sa mga nakagawian ng Pinoy kung saan salo-salong kumakain ang magkakapamilya o magkakaibigan at ang pagkain ay karaniwang nakahain sa dahon ng saging - Isang negosyante ang naisipang gumawa ng reusable banana leaf para sa mga mahilig mag-boodle fi
ght - Ang reusable banana leaf na ito ay eco-friendly at pangmatagalan
Tiyak na nasubukan mo nang makisali sa boodle fight—bahagi ng kulturang Pinoy kung saan salo-salong kumakain ang mga magkakapamilya o magkakaibigan gamit lamang ang kanilang mga kamay. Ang mga pagkain ay maayos na nakalagay sa dahon ng saging at ang mga kumakain ay nakatayo lamang.

Ayon sa kasaysayan, unang isinagawa ang boodle fight sa mga military training, “the food is placed on top of a long banana leaf-lined trestle table and in the true military practice, diners do not sit in chairs but instead stand shoulder to shoulder in a line on both sides of the table.”
Madalas na ginagawa ang boodle fight sa malalawak na lugar tulad sa mga bukid sa probinsya, madali ring makahanap at makakuha ng dahon ng saging dito dahil karaniwan na itong itinatanim sa probinsya.
Subalit paano na lamang kung walang mapagkunan ng dahon ng saging lalo na iyong mga nasa lungsod na nais mag-boodle fight?
Ngayon, nauuso na rin ang paggamit ng “reusable banana leaf” na maaari nang mabili online.

Kabilang ang mag-asawa na sina Kat at Divi mula Pampanga sa mga nagbebenta ngayon ng reusable banana leaf. Sa kanilang Facebook page na Reusable Banana Leaves ay maaaring makabili ng mga reusable na dahon ng saging na sa ibang bansa pa umano pinapagawa.
Ayon kina Kat at Divi, patok ang reusable banana leaf sa Pilipinas at maski sa mga Pinoy na nasa abroad dahil malaki umano ang matitipid sa paggamit nito. Imbes na mga paper plates at plastic utensils, pinipili ng ilang Pinoy na mag-boodle fight na lang gamit ang reusable banana leaf.
Eco-friendly at gawa umano sa food grade fabric plastic ang reusable banana leaf. Madali lang din itong linisin at maaari pang gamitin nang pangmatagalan. Nagkakahalaga ito ng P500 at maaari ding bayaran via cash on delivery.