
- Inakala ng uploader na mapapasambit na siya ng RIP sa pusa ng kanyang kapitbahay
- Puyat lang daw ito dahil sa pagtulong sa ‘pagbebenta ng uling’ ng kanyang amo
- Madungis man ang pusa, nilinaw ng uploader na pinakakain ito at pinaliliguan ngunit nadudumihan ulit dahil sa pamamalagi nito sa ulingan
Dahil sa posisyon ng pagkakahiga ng isang pusa sa sako ng uling, inakala ng nakakita na wala na itong buhay.
Nakahiga ang pusa sa sako ng uling na parang hindi na humihinga at lantang-lanta na kaya naman inakala ni Za Iz, kapitbahay ng may-ari na hindi na ito humihinga. Ibinahagi niya sa grupong Saling Pusa sa FB ang kanyang reaksyon.

“Jusmiyo marimar! Mapapa RIP at RUN FREE na sana ako eh. Cat po ‘yan ng kapitbahay namin na nagtitinda ng uling. Puyat lang pala dahil tumulong daw mag repack ng uling,” kuwento niya.
Nangingitim nga ang pusa at walang duda na gumulong-gulong ito sa ulingan. Ngunit may pagkaklaro si Za sa kanyang post.
“Sobrang lambing at bait na miming po ‘yan despite sa itsura niya. Hehe. Pinakakain at pinaliliguan naman po yan kaso yung negosyo ng owner ng pusa eh ulingan kaya hndi talaga maiiwasang mangitim agad. Labyu mingming.”
Marami ang naaliw sa larawan ng pusa dahil mukhang pagod nga ito sa “pagtatrabaho” roon. Subalit bata pa raw siya para pagtrabahuin.
“Nawala antok ko. Natawa ako kala ko tegi na. Di kasi ako nagbasa. Buhay pala sa last pic.”

Pero marami pa rin ang nangamba para sa kalusugan nito. Payo nilang linisin agad ang pusa dahil baka makalanghap ito ng uling.
“Naku sana meron siya place malayo sa uling kasi masama sa baga yan.”
“Linisin n’yo po agad. Yung ilong po madumi. Baka mahirapan huminga. Anyways, ka-cute ng pusaaaaa.”
Bakit kaya gusto ng pusa humiga sa uling? Kuwento ni Jude Aquiller na dating nagtitinda ng uling, “Mainit kasi ang uling kaya gumugulong sila.”
Nakaaaliw man o nakaaawa, ang importante ay hindi ito napababayaan. Gaya ng sinasabi ni Za, pinakakain naman daw ito at pinaliliguan. Sana lang ay maagang mag-retire si miming sa kanyang pinagtatrabahuan. Lol.