Prenup photoshoot ng magkasintahang LDR, isinagawa via video call: ‘It speaks about the reality of our current situation’

  • Nag-viral noong nakaraang taon ang mga larawan ng magkasintahan na bagama’t malayo sa isa’t isa ay nagawa pa ring magkaroon ng prenup photoshoot
  • Dahil nasa Singapore ang lalaki at nasa Pilipinas naman ang babae, ginawa ang photoshoot via video call
  • Naghatid ng positivity ang viral prenup photoshoot lalo na sa panahon ngayon na malaking bagay ang “connection” sa isa’t isa

Marami nang posts tungkol sa isinagawang prenup photoshoot o mismong kasal ang nag-viral online simula noong nakaraang taon habang nasa gitna tayo ng pandemya. Hindi naging hadlang ang ipinatutupad na limitasyon sa galaw ng mga tao at gatherings sa mga magkasintahan na nais magpakasal.

Imahe mula sa Luminara Photo via Facebook

Isa sa mga nag-viral na photoshoot noong nakaraang taon ay tampok ang magkasintahan na sina Alex at Pink. Kakaiba ang konsepto ng kanilang prenup photoshoot dahil kasalukyang nasa Singapore si Alex habang nasa Pilipinas naman ang nobya niyang si Pink.

Ayon sa kanilang photographer na si Carlo Pilongo, nakatakda sana ang photoshoot nina Pink at Alexis noong nakaraang Oktubre, subalit dahil hindi nakauwi sa Pilipinas si Alex, naisipan ni Carlo na gawin ang photoshoot via video call.

“Medyo hesitant pa sila noong una, sabi nila ‘paano yung pose namin, paano yung damit namin, ano hitsura namin.’ Sabi ko sa kanila, ‘relax lang, para lang kayong nagbi-video chat talaga,” kuwento ni Carlo.

Imahe mula sa Luminara Photo via Facebook

Kahit simple lang ang naging tema ng prenup photoshoot, naging malalim naman ang mensahe at kahulugan nito lalo na sa mga magkarelasyon na nasa parehong kalagayan nina Pink at Alexis na long distance relationship.

“Noong time ng ECQ, sobrang naglo-long ‘yung tao sa connection, most especially sa loved ones natin. ‘Yung shoot na yun, nag-bring ng positivity sa mga tao kasi may way pa rin pala, may platform para ma-connect tayo sa mga loved ones natin,” kuwento pa ni Carlo.

Imahe mula sa Luminara Photo via Facebook

Apat na taon nang magkarelasyon sina Pink at Alex, at sa apat na taong iyon, dalawang taon na silang hindi nagkikita mula nang abutan ng lockdown si Alexis sa Singapore.

“Ang daming naka-relate. For me, it speaks about the reality of our current situation. How do we make each other feel na we’re together in this time of isolation,” ani Pink. “Kahit papaano, kaya pa ring gawan ng paraan na maging masaya,” dagdag naman ng kanyang nobyong si Alexis.

Panoorin ang kuwento nina Bryan at Pink na naibahagi sa national TV sa programa ng I-Witness sa pangunguna ni Atom Araullo.


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: