Pinakamahal na Filipino painting per square inch na gawa ng Pinay artist, nagkakahalaga ng P84-M

Imahe mula Instagram
  • Umabot sa halagang P84 million ang itinalagang “most expensive Philippine painting per square inch” na gawa ng isang Filipina artist
  • Ang painting na ito na may pamagat na “Tinapa Vendors” ay obra ng namayapang Pinay painter na si Anita Magsaysay-Ho
  • Ang nasabing painting ay binili ng Leon Gallery mula sa mag-asawang American sa halagang P84 million

Gaano ka kapamilyar sa yaman ng sining ng Pilipinas? Sino-sino ang iyong mga kilalang Filipino artist bukod sa mga paulit-ulit nang nababanggit sa kasaysayan tulad nina Fernando Amorsolo at Juan Luna?

Imahe mula Instagram | @leongallerymakati

Kamakailan ay lumabas ang artikulo mula sa Philstar Life na itinanghal bilang “most expensive Philippine painting per square inch” ang obra ng Filipina painter na si Anita Magsaysay-Ho (1914-2012) na mayroong pamagat na “Tinapa Vendors.”

Bagama’t likha ng isang Filipina, ang nasabing painting ay naging pagmamay-ari ng American diplomat na si Paul Miller na nakilala at naging kaibigan ang namayapang si Anita nang minsang pumunta ito sa Maynila.

Minsan nang sinabi ni Anita na, “I paint Filipino women because I know them well. That is why I never attempted to paint the Japanese, Brazilian, Canadian or Chinese women. I cannot presume to know them.”

Imahe mula Instagram | @leongallerymakati

“My heart was pounding when I first laid eyes on it. It is just luminous!” ani Jaime Ponce de Leon, ang director ng León Gallery na bumili sa nasabing painting mula kay Miller sa halagang P84 million.

Makikita sa nasabing painting ang tatlong tindera ng tinapa na ginawa ni Anita gamit ang kanyang medium na egg tempera. May laki itong 20 by 16 inches at ito umano ang pinakapaboritong obra na nilikha ni Anita.

“You simply can’t argue with the fact that this particular work was Anita Magsaysay-Ho’s favorite work. Also, egg tempera is a medium she herself said she mastered in the style of Fra Angelico, the Renaissance painter. It gives it that radiant quality, as if it were lit from the inside,” kuwento pa ni Jaime.

Imahe mula Instagram | @leongallerymakati

Sumusunod sa obra ni Anita sa pinakamahal na painting ng isang Pinoy ay ang likha ni Benedicto “BenCab” Cabrera na may pamagat na “The Dance of Isadora.” Ito naman ay nabili sa halagang P41 million. Sunod rito ang likha ni Vicente Manansala na  “Pila sa Bigas” sa halagang P33 million.

Bilang isang Pinoy, nararapat lamang na malaman natin ang yaman ng ating sining lalo na at maraming Filipino artist ang karapat-dapat na ipagmalaki dahil sa kanilang mga obra. Kabilang sa mga museum na maaari nang mapuntahan ngayon ay ang BenCab museum sa Baguio City at ang Pinto Art Museum sa Antipolo.