Pia Wurtzbach may sweet birthday message para sa kapatid na si Sarah Wurtzbach: ‘I love you unconditionally’

Imahe mula Instagram
  • Sa kanyang social media account ay nagbahagi si Pia Wurtzbach ng birthday message para sa kapatid na si Sarah Wurtzbach
  • Sinabi ni Pia na anuman ang mangyari ay lagi lamang siyang nariyan para sa nakababatang kapatid
  • Matatandaan na nagbahagi sa social media ng mga hindi magagandang salita si Sarah para kay Pia at sa kanilang ina

Sa kabila ng mga hindi magagandang nasabi ng kanyang kapatid sa social media na pinagpiyestahan ng maraming netizens, mas nanaig pa rin kay former Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang “sisterly love” para sa kapatid na si Sarah.

Imahe mula kay Pia Wurtzbach via Instagram

Para sa kaarawan ni Sarah ay nagbahagi si Pia sa kanyang Instagram account ng long at sweet birthday message kalakip ang ilang larawan at video nila ng nakababatang kapatid.

“You’ll always be my little baby sister. I know you’re a big girl now and you have Lara & Logan but in my eyes you are still my baby girl that I love so much. I know we haven’t seen each other in a few months & a lot happened but know that I’m always thinking about you and I love you very much.  I love you unconditionally,” ani sa caption ni Pia.

Nag-iwan naman ng reply si Sarah sa post ng kapatid, “I love you so much sis. Thank you you’re so sweet I miss you! Can’t wait for you to come back so we can bond.” Sa ngayon kasi ay nasa quarantine si Pia pagkatapos manggaling sa ibang bansa.

Imahe mula DF Buzz

Matatandaan na noong October 2020 ay nagbahagi si Sarah ng mga maaanghang na salita sa Instagram stories na naglantad ng kanilang problemang pampamilya sangkot si Pia at ang kanilang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Inilahad ni Sarah kung paano siya hindi sinuportahan ni Pia, “emotionally at financially,” sa pinagdadaanan niyang mga problema. Sinabi pa niyang sila ni Pia ay “finished as sisters.”

Nag-ugat ang isyu nang sabihin umano ni Pia at kanilang ina na hiwalayan na ni Sarah ang kinakasama na si Charlie Manze dahil hindi siya kayang suportahan nito financially. Sa lahat ng nangyari, hindi kailanman nagbigay ng pahayag ang former Miss Universe.

Pagkatapos mangyari ang pagbabahagi ng kanyang galit sa social media ay humingi rin ng tawad si Sarah at sinabi sa netizens na huwag magalit sa kanyang ate, “stop hating on Pia. Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything. If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.”