Paulo Avelino nagmamay-ari na ng sariling film company; unang proyekto ang pelikulang ‘Dito at Doon’

  • Lumabas ang balitang nagtayo na ng sariling production company ang aktor na si Paulo Avelino
  • Tinawag na WASD Films, kinuha ni Paulo ang pangalan mula sa apat na keyboard keys na ginagamit sa video games
  • Ang unang proyekto ng WASD Films ay ang pelikula nina JC Santos at Janine Gutierrez na ‘Dito at Doon’ na ipalalabas sa March 31

Noong nakaraang taon, nakuha ni Paulo Avelino ang “Best Actor” award sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang “Fan Girl” kung saan ay nakasama niya ang nanalo ring “Best Actress” na si Charlie Dizon.

Imahe mula Instagram

Hindi lamang sa pelikula kundi maski sa mga telenovela ay kilala si Paulo dahil sa galing niya sa pag-arte. Mapa-bida o kontrabida, lahat na yata ay nagampanan na ng Kapamilya actor.

Bukod sa pag-arte, naging libangan na rin ni Paulo ang pagiging game streamer sa social media. Subalit lingid sa kaalaman ng nakararami, si Paulo ngayon ay nagtayo na rin ng kanyang sariling film production company na tinawag niyang “WASD Films.”

Ayon sa ibinalita ng Philippine Entertainment Portal, ang pangalang “WASD” ay kinuha sa apat na pangunahing keyboard keys na ginagamit sa tuwing naglalaro ng online games. At dahil certified online gamer ang aktor, dito nanggaling ang pangalan ng kanyang kompanya.

Imahe mula Instagram

Ang unang proyekto ng WASD Films ay ang upcoming movie nina JC Santos at Janine Gutierrez na “Dito at Doon,” na ipalalabas sa streaming site na UPSTREAM.ph simula sa March 31. Naka-schedule dapat itong ipalabas sa mga sinehan, subalit dahil ECQ ay mapapanood na lamang ito online.

Kasama ang TBA Studios, naging co-producer si Paulo ng nasabing pelikula. “Si Pau invested into the project as his first project for his production company, WASD Films. Hindi siya involved sa line production and day-to-day kasi he trusts na raw ang TBA Studios,” ani Daphne Chiu, ang executive vice president at general manager ng TBA Studios.

Ngayon ay tumutulong din si Paulo sa pag-promote ng pelikulang “Dito at Doon” sa kanyang social media accounts. Ang pelikulang ito ay unang tambalan nina JC at Janine na kalilipat lamang sa Kapamilya network noong nakaraang taon.

Una nang naipalabas ang world premiere ng “Dito at Doon” sa New Action! Southeast Asian Section ng Osaka Asian Film Festival noong March 5 hanggang March 14, 2021.

Silipin ang trailer:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: