
- Viral ngayon sa social media ang video ng isang bata habang tumutugtog ng drums
- Kahit gawa lang sa recycled materials ang drum set, nagawa pa rin ng nasabing bata na makasabay at tugtugin ang kantang Sweet Child O’ Mine
- Maraming netizens ang humanga sa talento ng bata at hiniling na sana ay magkaroon ito ng sariling totoong drum set
Maraming benepisyo ang naibibigay sa mga bata sa pagkatuto nila sa pagtugtog ng drums. Sa murang isipan ay tinuturuan na ang mga bata na patugtugin ang drum sa pamamagitan ng pagpalo rito gamit ang stick o drum stick.

Ayon sa inrhythm.com, “drumming is an excellent way for children to learn self-awareness, listening skills, coordination of breath and movement, cooperation and patience. It’s a very healthy way for them to develop.”
Sa panahon ngayon, marami nang mga bata ang maituturing na talented sa pagtugtog ng musical instrument tulad ng drum set. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga banda o sa tuwing may aawit bilang beat o tempo ng kanta. Ang mga batang ito ay maaaring naturuan na sa murangedad o kaya ay likas na sa kanila ang pagiging magaling sa pagkuha ng beat at tempo ng kanta.
Kamakailan, ibinahagi ng isang Facebook page ang video ng isang batang kinabibiliban ngayon ng netizens dahil sa galing niya sa pagtugtog sa drum set. Subalit ang mas nagpabilib sa netizens ay kahit improvised drum set lamang ang gamit ng bata ay naging maganda pa rin ang pagtugtog niya rito.

Ngayon ay umani na ng mahigit 4.8 million views ang video ng nasabing bata habang tumutugtog ng drums kasabay ng kantang Sweet Child O’ Mine ng international band na Guns N’ Roses.
Ang improvised drum set na gamit ng bata ay gawa lamang sa mga plastic na sisidlan, tansan, at takip ng kaldero. Maraming netizens ang humanga sa galing at talento ng nasabing bata na hindi naman pinangalanan. Ang video rin ng bata ay nagmula umano kay Almnzor June.
“You are a talented young man! You deserve the applause!” “More!! I like your energy and super natural talent little boy,” “Wow! So amazing eventhough it’s only an improvised instrument… good job, keep it up”— ang ilan sa mga comments ng netizens.
Marami rin ang humiling na sana ay mabigyan ng totoong drum set ang nasabing bata, “Hopefully you get a real drum set soon boy. Since your video is already on trend,” “He deserves a real drum set, so amazing, he can do more and become a famoes drumer someday.”
Panoorin dito ang video: Facebook