Netizen ibinahagi ang pure love sa pagitan ng magkapatid na asong kulang ang mga paa

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang pagmamahal sa dalawang alagang aso na itinuturing niyang ‘very special’
  • Ipinanganak kasi ang magkapatid na asong ito na kulang ang kanilang mga paa subalit hindi ito naging hadlang sa kanilang kasiyahan
  • Ayon sa netizen, laging magkasama ang magkapatid na aso at kahit kulang ang mga paa ay laging naglalambingan

Tulad ng mga tao, maaari ding maipanganak ang mga hayop na may depekto sa kanilang katawan. Mayroong pagkakataon na ipinapanganak ang mga aso na kulang ang kanilang mga paa, subalit maituturing pa rin silang normal tulad ng iba.

Imahe mula kay Juan A Matamad via Facebook

Sa Facebook group na DOG LOVERS PHILIPPINES, maraming netizens ang nagbabahagi ng kanilang mga kuwento tungkol sa mga pinakamamahal nilang alaga. Karaniwan sa mga kuwentong ito ay makabagbag damdamin tulad na lamang ng ibinahagi kamakailan ng isang netizen mula sa Pampanga.

Ibinahagi ni Juan A. Matamad sa nasabing Facebook group ang mga larawan ng kanyang dalawang alagang aso. Espesyal na maituturing ang mga asong ito dahil dalawa lamang ang kanilang mga paa mula nang isinilang.

Kuwento ni Juan, ipinanganak nang kulang ang mga paa ng kanyang mga aso na sina Purpose at Hike. Maaaring nasa genes ito ng mga aso dahil hindi sila sabay na ipinanganak subalit parehong kulang ang kanilang mga paa nang iluwal ng ina.

Imahe mula kay Juan A Matamad via Facebook

Bagama’t hindi makatayo at halos nakahiga lamang ang magkapatid na sina Purpose at Hike, lagi naman umanong naglalaro at naglalambingan ang mga ito, na makikita naman sa mga ibinahaging larawan ng kanilang furparent na si Juan.

“Kapag nakikita ko silang magkasama I find pure joy at love. Hindi man po sila sabay ipinanganak, never ko sila nakitang nag-away. Mahal nila ang isa’t isa,” ani ng uploader.

Imahe mula kay Juan A Matamad via Facebook

Si Purpose ang mas matandang aso, one year at four months na ito at isang dark brown male aspin (asong Pinoy). Si Hike naman ay ang three-month-old na babaeng aspin. Kuwento pa ni Juan, mayroon pang isang aso na ipinanganak kasabay ni Hike na wala ring dalawang paa, subalit hindi na ito nagtagal.

“Hindi sila kasing selan ng with breed po. Mahirap [alagaan] man po o hindi, ang importante doon pinapadama na hindi lang sila aso kundi parte sila ng pamilya,” dagdag pa ni Juan.

Marami namang netizens ang humihiling na sana ay mabigyan ng prosthetic legs sina Purpose at Hike.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: