Nasa 30,000 Pinoy sa Israel, nabakunahan na ng libreng vaccine bilang pasasalamat sa kanilang trabaho

Imahe mula sa Agrostudies via Israel in the Philippines Facebook page
  • Lumabas ang balitang nasa tinatayang 30,000 overseas Filipino workers ang naturukan na ng COVID-19 vaccine sa bansang Israel
  • Isang paraan ng pasasalamat ang pagbibigay ng libreng COVID-19 vaccine sa mga manggagawang Pinoy dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho
  • Isa ang Israel sa nangungunang bansa pagdating sa vaccination program dahil nasa kalahati na ng kanilang populasyon ang nabakunahan na

Isa ang bansang Israle sa nangunguna pagdating sa COVID-19 vaccination program dahil halos kalahati na ng kanilang populasyon ang nabakunahan na. Ayon sa mga ulat, mula sa 9.3 milyon na populasyon ng Israel, nabigyan ng ng first dose ng Pfizer vaccine ang nasa 5.2 milyong katao.

Imahe mula sa Agrostudies via Israel in the Philippines Facebook page

Nasa 4.2 milyon naman ang nakatanggap na ng dalawang doses ng Pfizer. Kabilang sa mga libreng nabakunahan ay mga residenteng Pinoy, overseas Filipino workers, at maski ang mga manggagawang Pinoy na napaso na ang working permit.

Ayon sa embahada ng Israel sa Manila, tinatayang nasa 30,000 na mga Pinoy ang nabigyan ng libreng COVID-19 vaccine na Pfizer ano man ang estado ng kanilang immigration. Kabilang sa mga nabakunahang Pinoy ay mga caregiver, 400 agriculture students, at kawani ng Philippine Embassy.

“As part of the successful vaccination campaign, Israel’s Ministry of Health (MOH) has vaccinated for free anyone who is in Israel, regardless of their citizenship status or whether or not they have insurance,” ani sa pahayag ng embahada ng Israel.

Imahe mula sa Agrostudies via Israel in the Philippines Facebook page

Dagdag pa ni  Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, ang pagbibigay ng libreng COVID-19 vaccine sa mga Pinoy sa Israel ay isang paraan umano bilang pasasalamat sa kanilang isinasagawang trabaho para sa bansa.

“Israel is thankful for the Filipino caregivers for helping the elderly and the disabled Israeli citizens during the COVID-19 outbreak. For many years, the Israeli government has been providing the Filipino caregivers with full access to the advanced medical services of our country,” pahayag ni Harpaz.

“The free access to COVID-19 vaccine is another way of thanking them and ensuring their health and safety,” dagdag pa ng opisyal.