Misis ipinagmalaki ang bahay kubo na naipundar sa pagsisikap ng mister

  • Ipinagmalaki ng isang netizen sa Facebook group ang bahay kubo na kasalukuyang ipinatatayo ng kanyang pamilya
  • Halos malapit nang matapos ang bahay kubo na naipundar sa pagsisikap na rin ng mister ng uploader
  • Maraming netizen ang humanga sa bahay kubo at ninais na magkaroon din sila ng simpleng bahay tulad nito

Maituturing na parte ng kulturang Pinoy ang mga bahay kubo na karaniwang nakikita sa mga probinsya. Bago ang makabagong panahon, marami sa ating mga ninuno ang naninirahan lamang sa mga bahay na sila mismo ang gumawa mula sa iba’t ibang kahoy at dahon bilang bubong.

Imahe mula kay Yen U. Mercado via Facebook

Kahit nasa moderno nang panahon, hindi pa rin tuluyang nawala sa ating lipunan ang bahay kubo. Marami pa rin ang nagpapagawa nito sa mga probinsya dahil sa iba’t ibang mabuting dahilan: mas mura, presko sa loob, at nakapagbibigay din ito ng relaxation.

Sa public Facebook group na Perfect Home Designs PH, nagbabahagi ang mga Pinoy ng kanilang disenyo ng ipinagawang bahay kubo, ito rin ang nagiging basehan ng ibang miyembro na nais magpatayo ng kanilang sariling bahay kubo.

Sa FB group ay nagbahagi kamakailan si Yen U. Mercado mula sa Apacay, Batangas ng kanilang kasalukuyang ipinatatayong bahay kubo. Ang para sa kanya na “simpleng” bahay kubo ay may malaking halaga para sa libo-libong netizens na nag-react dito.

Imahe mula kay Yen U. Mercado via Facebook

Sa kasalukuyan, ang post ni Yen ay umani na ng 46,000 reactions at mahigit 6,000 shares. Nilagyan niya ito ng caption na: “Share ko lang po ang simpleng bahay kubo namin. ‘Di pa po tapos, madami pa po ang kulang. Thank you po Lord, pinagkaloob mo sa amin ang ganitong bahay at dahil na rin po sa pagsisikap ng mister ko.”

Simple lamang ang labas ng bahay kubo, subalit sa loob ay makikita ang mga halaman, makukulay na kurtina, at ilang mga appliances na tamang-tama lamang sa loob ng bahay.

“Parang bumalik ako sa kapanahunan dati kung saan payak ang pamumuhay,” ani ng isang netizen na nakakita ng post ni Yen. Marami rin ang humanga sa pagiging malinis ng loob ng bahay kubo. “Napakasarap naman pong tumira sa ganyan. Fresh air saka po masarap magtanim ng mga gulay at prutas dyan at mag-alaga ng mga hayop… ganyan po ang gusto ko pag matanda na ko,” ani pa ng isang netizen.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: