Kris Aquino nagbahagi ng cryptic posts sa Instagram: ‘It’s time to share my story and my truth’

Imahe mula Instagram
  • Laman lagi ng mga artikulo online ang aktres at TV personality na si Kris Aquino na active sa kanyang social media accounts
  • Kamakailan ay nadawit ang pangalan ng mga anak ni Kris na si Josh at Bimby sa mga isyu at pangungutya online
  • Sa kanyang Instagram ay nagbahagi si Kris ng mga makahulugang mensahe tungkol sa pagsasabi niya ng kanyang kuwento at katotohanan

Bilang isang aktres at TV personality, maraming isyu ang naibabato kay Kris Aquino tungkol sa iba’t ibang bagay. Maaaring konektado ito sa kanyang personal na buhay, relasyon, at maski ang pinagkakaabalahan sa araw-araw.

Imahe mula Instagram

Subalit kamakailan ay nadawit sa mga isyung ito  ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. Dati nang laman ng mga meme at tinutukso ang bunsong anak ni Kris subalit lalo itong lumala nang madawit ang kanyang sekswalidad.

Lumabas naman ang isyung nakabuntis ang kanyang panganay na anak na si Josh kaya mas pinipili nitong manirahan sa Tarlac kaysa kasama ng ina at kapatid. Lahat ng ito ay pinabulaanan ni Kris sa pamamagitan ng pagpapahayag sa social media.

“I am not, and I am not stupid… in a span of a week my children have been used to trigger me. What is very clear to me is that some people cannot stand  the fact that despite all their efforts to bury me, I am still standing,” ang inilabas na pahayag ni Kris noong nakaraang linggo.

Imahe mula Instagram

Ngayon ay muling nagbahagi si Kris ng mga makahulugang mensahe sa kanyang Instagram account patungkol sa pagbabahagi ng kanyang kuwento.

“It’s time to share my story, and my truth. see you this weekend (I still don’t look healthy enough, since we’ve waited to reunite⁠—I owe you to be at my physical & emotional best.)

Sa kanyang pinakalatest IG post, inamin ni Kris na hanggang ngayon ay masama pa rin ang kanyang loob dahil sa pagkakadawit ng mga anak sa isyu, kaya naman napagdesisyunan niyang i-shutdown ang kanyang social media platforms.

Imahe mula Instagram

“I have learned habang may pinagdadaanan, shut down all my platforms para hindi magkamali. I am human. Inakala kong handa na akong magsalita bukas, ready na ang production team ko, pero habang emotional pa ‘ko, alam kong kahit anong pag-iingat ang gawin nila sa editing⁠—I am too transparent,” pagsasaad ni Kris.

Sa ngayon ay mayroong iniindang karamdaman si Kris kaya naman pinipili niyang magsabi na lamang ng kanyang kuwento gamit ang social media. Matatandaan na sinabi rin ni Kris na mamamalagi sila sa isang probinsya upang doon muna mamuhay habang siya ay nagpapagaling.