Kara David inalala ang kaibigan na si Cesar Apolinario: ‘Pareng Cesar, your kids are doing great’

  • Dalawang taon na ang nagdaan mula nang yumao ang reporter na si Cesar Apolinario
  • Sa kanyang social media account, nagbigay ng update si Kara David tungkol sa mga naiwang anak ni Cesar na kasalukuyang scholars ng Project Malasakit
  • Sinabi ni Kara na kabilang ang tatlong anak ni Cesar sa mga may honor, at pinasalamatan din niya ang mga patuloy na tumutulong sa pagpapaaral sa mga ito

Nagulat ang maraming Pinoy noong 2019 nang lumabas ang balitang yumao na ang journalist at reporter na noo’y 46-anyos lamang — si Cesar Apolinario dahil sa isang malubhang karamdaman.

Imahe mula Facebook

Naiwan ni Cesar ang kanyang asawa na si Joy Apolinario at tatlo nilang anak na sina Remus Cesar, Athena Joyce, at Sophia Ysabelle.  Dahil si Cesar ang nagmistulang breadwinner ng kaniyang pamilya tiniyak ng kanyang kaibigan at kapwa reporter na si Kara David na maipagpapatuloy ang pangarap ni Cesar para sa kanyang pamilya.

Project Malasakit ni Kara David, gagawing scholar ang mga naiwang anak ni Cesar Apolinario

Kinuha ni Kara sina Remus, Athena, at Sophia bilang scholars ng Project Malasakit; ang proyektong pinangungunahan ng GMA senior reporter. Pagkatapos ng dalawang taon, muling inalala ni Kara ang kaibigan na si Cesar at nagbigay din siya ng update tungkol sa pag-aaral ng tatlo nitong anak.

Imahe mula Instagram

“My good friend and fellow kapuso reporter Cesar Apolinario passed away almost 2 years ago. It was hard for his family. Since then, Athena, Remus and Sofia have been doing their father proud. They are consistently at the top of their class,” ani Kara sa kanyang Instagram post kamakailan.

Ayon kay Kara, kabilang sa with honors sina Athena na kakatapos lamang sa Grade 10 at si Sofia, ng Grade 7. Ang panganay naman na anak na si Remus ay isa nang senior high school students sa STI at kabilang din ito sa top 6 ng kanilang klase.

Imahe mula Instagram

“Pareng Cesar, huwag kang mag-aalala, your kids are doing great. Para sa iyo ito, mahal kong kaibigan,” ang makabagbag damdaming mensahe ni Kara sa kanyang kaibigan. Nagpasalamat din ang senior reporter sa mga patuloy na tumutulong at nagsusustento sa pag-aaral ng mga anak ni Cesar.

“Salamat sa GMA Network Inc. , sa mga boss namin na nag-shoulder ng tuition ng mga bata, sa mga reporters, news anchors, hosts at mga kaibigan na patuloy na nag-aambag sa tuition at pangangailangan ng mga bata.”

Pinasalamatan din ni Kara si Joy sa paggabay sa kanyang mga anak.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: