‘Kami po muna ang kukuha ng papaya, no?’: May-ari ng puno may nakaaaliw na paalala

Imahe via Tom Sawyer Memes | Facebook
  • Naglagay ng pakiusap ang may-ari ng puno ng papaya upang hindi ito pag-interesan ng iba bago pa man siya makatikim
  • Ayon sa nakapaskil,  sila raw muna ang titikim dahil sila ang may-ari
  • Nagbigay naman ito ng magandang ideya sa iba na may punong namumunga sa kanilang bakuran

Magandang magkaroon ng mga bungang-kahoy sa bakuran. Hindi mo mapapansin, kamukat-mukat ay may inaani ka nang katas ng paghihintay.

Imahe via Tom Sawyer Memes

Ngunit paano kung mas nauuna ang iba sa pagkuha sa inaasam mong bunga? Hahayaan mo na lang ba? Ano ang gagawin mo kung mahihiya ka rin naman magsabi sa kanila?

Sa larawang ibinahagi ng Tom Sawyer Memes, makikitang pinangunahan na ng may-ari ng puno ng papaya ang mga nagbabalak kumuha ng bunga nito. Naglagay lang naman ang may-ari ng paalala sa puno.

“Kami po muna ang kukuha ng papaya noh? Puwede po ba? Sa’min po kasi ito tanim. Tikman po namin noh? Thank[s]” Ganyan ang mga katagang naka-imprenta sa puting bond paper at ipnadikit sa kahoy..

Malalaki na kasi ang bunga ng papaya at ilang araw na lang ang hihintayin bago maging hinog.

Sang-ayon naman ang mga netizens dito. Nagbigay din ito ng ideya sa iba na may mga namumunga na ring punong-kahoy.

“Oks lang minsan maging palaban pag alam mong nasa katwiran.”

Isa netizen ang nagbahagi ng kahalintulad na puno ng papaya na mayroon ding babala. Ang nakasulat,”Kung sino ka man na kumukuha ng papaya, magtira ka naman sa nagtanim!”

Imahe via Jo ALferos | Facebook

Makikitang puro maliliit na bunga na lang ang natitira.

Mahirap talagang magbantay sa sarili mong puno lalung-lalo na kung ang ari-arian mo ay hindi nakabakod. Kung nadikit naman sa bakod ang puno at nangapitbahay ang mga bunga, maaaring hingiin din ng kapitbahay ang mga bunga na umabot sa kanila.

Sa dami ng nakare-relate sa post na ’to umabot ito sa 14k reactions at 3.5k shares.

Subalit wala naman sigurong masama kung manghingi basta’t magpaalam sa may-ari kaysa basta-basta na lang kukuha nang hindi nila alam. Ngunit ang pinakamainam pa rin ang magtanim ng sariling puno upang hindi ka na manghihingi sa iba. Mas tama, ‘di ba?