Janine Gutierrez inaming na-starstruck nang maka-eksena ang ina na si Lotlot de Leon

  • Mapapanood na simula March 31 ang pelikulang “Dito at Doon” na pinagbidahan nina Janine Gutierrez kasama si JC Santos
  • Sa pelikula ay unang beses na nakatrabaho at naka-eksena ni Janine ang kanyang ina na si Lotlot de Leon
  • Inamin ni Janine na nahirapan siyang umarte sa harap ng ina at na-starstruck ito sa galing ni Lotlot sa pag-arte

Nagbahagi kamakailan ang aktres na si Janine Gutierrez tungkol sa kanyang naging karanasan sa paggawa ng upcoming movie na “Dito at Doon.” Makakasama ni Janine sa pelikula bilang leading man ang aktor na si JC Santos.

Imahe mula Instagram

Bukod sa unang beses na makakatambal ni Janine si JC, isa pa umano sa mga naging hamon sa paggawa ng pelikula ay ang makatrabaho ang kanya mismong ina sa totoong buhay na si Lotlot de Leon.

Kuwento ni Janine sa ABS-CBN News, labis siyang kinabahan sa mga eksena nila ni Lotlot na gumanap bilang ina rin ng kanyang karakter sa pelikula na isang medical frontliner.

“Kinabahan ako, eh. Mas kinabahan ako. Ewan ko ba. It was hard for me. I don’t know. Mas na-feel ko siya nung napapanood ko na,” ani ng 31-anyos na aktres patungkol sa kanyang beteranang ina.

Imahe mula Instagram

Inamin din ni Janine na na-starstruck siya sa pag-arte ni Lotlot, “parang tinulungan talaga ako ni Direk JP (Habac) sa eksena na ‘yun. Na-sa-starstruck siguro ako sa nanay ko.”

Sinabi rin ng aktres na nakaramdam siya ng pressure dahil katrabaho niya ang kanyang ina.

“Parang feeling ko I have to step up kapag si mama ‘yung ka-eksena ko dahil nga nanay ko siya and lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya,” kuwento pa ni Janine.

Subalit bukod sa kaba at pressure, naging masaya rin umano si Janine dahil sa pagkakataon na makatrabaho si Lotlot.

“On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya. On the other hand, it’s hard kasi nanay ko siya. Pero it was very fun. Na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya ‘yung pelikula sa schedule niya at lahat.”

Simula March 31 ay maaari nang mapanood ang “Dito at Doon” sa digital platforms ng KTX.ph, iWant TFC, Cinema ’76 @ Home, Upstream, at Ticket2Me.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: