‘Hipon girl’ na si Herlene Budol, isa na ring ganap na cover girl

  • Unang nakilala si Herlene Budol aka ‘Hipon Girl’ bilang isa sa mga host sa programang Wowowin
  • Hindi na muling nakabalik si Herlene sa nasabing programa subalit nagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz at nagkaroon na rin siya ng sariling negosyo
  • Ngayon ay matatawag na ring isang ganap na model si Hipon Girl dahil siya ay isa nang cover girl sa fashion photoshoot

Nauso para sa mga Pinoy ang pagtawag ng “hipon” sa kalalakihan o kababaihan na maganda ang pangangatawan subalit nagkulang naman sa hitsura. Hindi man maganda ang kahulugan na ito para sa nakararami, sa tawag naman na ito nakilala si Herlene Budol o ang tinaguriang “Hipon Girl” sa programang Wowowin.

Imahe mula kay Herlene Budol via Instagram

Unang nakilala si Herlene matapos siyang sumali sa segment ng nasabing programa na Willie of Fortune kung saan ay agad siyang napansin ng host na si Willie Revillame dahil sa kanyang nakahahawang kakulitan at pagkamasiyahin.

Umani si “Hipon Girl” ng atensyon ng mga viewers kaya naman agad siyang tinanggap ni Kuya Wil bilang co-host sa kanyang programa noong 2019. At pagkatapos ng kanyang paglabas sa Wowowin, dito na rin nag-umpisa ang pag-arangkada ng karera ni Herlene na aminadong nanggaling sa mahirap na pamilya na nasa squatters area.

Pinatunayan na Herlene na hindi lamang magandang katawan ang mayroon siya kundi pati na rin ang kagandahan ng mukha at galing sa pagpapaunlad sa sarili at sa antas ng pamumuhay. Ngayon ay nakapagpatayo na ng sariling negosyo si Hipon Girl, hindi lamang isa kundi iba’t ibang negosyo pa.

Imahe mula kay Herlene Budol via Instagram

Kabilang sa kanyang mga negosyo ay ang Hips’ Chix (Chicken, Shrimp, Rice Meals, etc) na matatagpuan sa Angono, Rizal. Nagtitinda rin siya ng mga damit sa “Herlene’s Clothing.” Nagtitinda rin siya ngayon ng mga make-up sa online store na “Hipstint.”

Bukod sa pagiging host, vlogger, at entrepreneur, pinasok na rin ni Hipon Girl ang modelling industry matapos siyang maging cover girl para sa isang fashion photoshoot.

Imahe mula kay Herlene Budol via Instagram

Umani ng libo-libong likes at papuri ang high-end photoshoot ni Herlene kung saan makikita ang kanyang kagandahan hindi lamang ng katawan kundi pati na rin ng kanyang mukha.

“Buti pa si Hipon girl lagi na lang gorgeous, nasa sa’yo na lahat, perfect body and face, ikaw na talaga,” ani ng isang netizen.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: