Former Miss Universe Margie Moran, nagbahagi ng throwback photos ng kanyang 1973 homecoming

  • Nakilala si Margie Moran bilang pangalawang Pinay na nakabingwit ng Miss Universe crown noong 1973
  • Sa edad na 67 ay aktibo pa rin si Margie sa industriya at kanyang social media
  • Kamakailan ay nagbahagi si Margie ng throwback photos noong isinagawa ang kanyang homecoming sa Pilipinas bilang Miss Universe 1973

Sa buong kasaysayan ng Miss Universe competition, apat na Pinay na ang naitanghal bilang Miss Universe at nakapag-uwi sa bansa ng karangalan at mismong korona mula sa prestihiyosong pageant.

Imahe mula Instagram

Isa na marahil sa mga hindi malilimutang eksena sa crowning moment ni Maria Margarita “Margie” Moran noong 1973 ay ang kanyang “iconic eyeroll” bago tanghaling Miss Universe.

Kamakailan, ibinahagi ng 67-anyos former Miss Universe sa kanyang Instagram account ang ilang black and white photos ng isinagawang homecoming bilang Miss Universe 1973.

“My arrival in 1973. Gosh, these photos seem ancient. The route of the motorcade took me from Manila International Airport to Roxas Blvd. passing by Manila City Hall, Escolta, Malacañang Palace ending at the Hilton Hotel where I was billeted,” ani sa caption ni Margie.

Imahe mula Instagram

Makikita sa mga litrato ang dagsa ng tao mula airport hanggang sa makarating siya sa Hilton Hotel sa Maynila. Nakasakay naman si Margie sa lumang modelo ng convertible car habang nakangiting kumakaway sa mga Pinoy na dumagsa upang siya ay masilayan.

Naging kasanayan na sa bansa ang pagkakaroon ng homecoming ng mga naging representative ng Pilipinas sa Miss Universe pageant. Kilala ang Pinoy fans sa kanilang pagsuporta sa mga kandidata na nakikipaglaban sa international pageants.

Imahe mula Instagram

Bukod sa homecoming photos, nagbahagi rin si Margie ng kanyang black and white na larawan kasama ang ibang titleholders na sina  Bb. Pilipinas International Marilen Ojeda at Bb. Pilipinas Maja Nanette Prodigalidad.

Sa kasalukuyan, nananatiling aktibo pa rin si Margie sa industriya. Siya ang chairperson ngayon ng Cultural Center of the Philippines.

Para naman sa pambato ng Pilipinas ngayong taon sa Miss Universe na si Rabiya Mateo, lubos na ang kanyang paghahanda sa darating na Miss Universe coronation night sa darating na Mayo.

Tara na’t maki-throwback sa kanya:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: