
- Naging usap-usapan online ang tungkol sa sinabi ng isang netizen na ang tinola ay “manok na may tubig”
- Maraming netizens ang sumang-ayon sa sinabi tungkol sa tinola, habang mayroon din na ipinagtanggol ito
- Isa ang chef na si Erwan Heussaff sa mga nagtaka kung bakit hindi nasasarapan ang ilang Pinoy sa tinola, kaya’t itinuro niya ang masarap na pagluto nito
Isa ang tinola sa mga Filipino dishes na hinahanap-hanap ng mga Pinoy na mahihilig sa sabaw. Karaniwan itong kinakain tuwing tag-ulan dahil masarap humigop ng mainit-init na sabaw ng tinola.

Subalit kamakailan, nagkaroon ng mainit na debate sa social media na nag-umpisa nang ilarawan ng isang netizen na “manok na may tubig” lamang umano ang tinola. Marami ang sumang-ayon sa komento ng netizen, habang marami rin ang sumalungat dito at sinabing malinamlam ang lasa ng tinola.
Ang usaping ito ang tinalakay ng chef na si Erwan Heussaff sa isa niyang latest Instagram post kung saan ay sinabi niyang maaaring hindi pa nakatitikim ng masarap na luto ng tinola ang mga netizens na hindi ito gusto.
“I really feel sorry for that guy. He’s probably never tried a really good tinola,” ani Erwan sa kanyang IG video post. Kaya naman itinuro niya sa kanyang 3-minute video ang pagluluto ng masarap na tinola.

“Tinola was trending yesterday on Twitter and I wanted to find out why. Some people were saying that this much loved soup, tastes like Water with chicken. I think those people need to cook better Tinola. Here is how I do it at home,” ayon sa caption ni Erwan.
Kabilang sa mga key points na ibinahagi ni Erwan sa pagluluto ng tinola ay ang pagprito nang maigi sa luya upang lumabas ang lasa at aroma nito. Sinabi rin niya na mas maiging maglagay din ng chicken broth imbes na tubig lang upang maging balanse umano ang lasa. Pinakuluan din niya nang matagal ang manok at nilagyan ng green papaya na mas mainam umano kumpara sa sayote.
“In these times of uncertainty and frustration, over our current situation in the Philippines, focus your energy on what you can change and control. A bowl of soup never hurts either,” ani Erwan.