Classic Pinoy favorite: Malutong at maalat na tinapay, ‘perfect ka-tandem ng kape’ sa agahan

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • “Pita” kung tawagin ng karamihan ang malutong at maalat na tinapay na madalas kainin noon sa agahan
  • Tinaguriang “perfect ka-tandem ng kape”, malimit maging bahagi ang tinapay na ito ng hapag-kainan sa tuwing agahan
  • Sa post ng isang Facebook page, bukod sa lasa ng tinapay ay binalikan din ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit ng classic Pinoy Favorite

Kabilang ka ba sa mga nahilig noon sa pagkain ng malutong at maalat na tinapay na kung tawagin ay “pita”? Itinuturing mo rin ba ito na “perfect ka-tandem ng kape” sa agahan?

Image captured from Facebook

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” hindi lamang ang masarap na lasa ng tinapay, ngunit maging ang mga gunitang ipinaaalala makita pa lamang nila ang larawan ng classic Pinoy favorite na madalas nilang kainin noon o matanggap bilang pasalubong mula sa mga nakatatanda. Bagama’t hindi pa tuluyang nawawala, hindi na kasing dami noon ang mabibilhan nito kaya naman ganoon na lamang ito kinasasabikan ng marami sa kasalukuyan.

“Isa sa mga paborito ko iyan, lalo na iyong lasa niyan na maalat-alat. Ang sarap i-partner sa mainit na kape,” pagbabahagi ng social media user na si Ana F. Dayawon.

“Ang tawag namin diyan dati, mga 70s, ay pita,” pagbabalik-tanaw ni Roberto B. Gregorio. “May halong cream yata na medyo dilaw. Masarap iyan para sa amin noong kabataan namin.”

“Masarap iyan isawsaw sa kape!” kumento ni Rose Ann Serrato Torres. “Laging pasalubong sa amin iyan ng mahal naming ina noong siya ay buhay pa at nagtitinda sa palengke. Nakaka-miss!”

Wika naman ni Catherine Regala-Gavino, “Paborito ko iyan hanggang ngayon. Sumasadya pa ako sa grocery store na mayroon niyan para makabili. Binubudburan ko pa ng iodized salt ang buong pack para mas masarap. Kasi mas gusto ko kapag maalat siya.”

Image captured from Facebook

Samantala, ang ilan naman ay ibinahagi na sa halip na ipares ito sa kape tuwing agahan, mas hindi ito nawawala sa kanilang meryenda dahil bagay na bagay din sa matamis at malamig na softdrinks ang maalat nitong lasa. Mayroon din namang kuntento na raw na isawsaw ito sa malamig na tubig upang kahit papaano ay lumambot bago nila tuluyang kainin