Binatang artist may kakaibang talento sa pagguhit gamit ang dalawang kamay nang sabay

Imahe kuha mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel
  • Ipinamalas ng isang binata sa programang AHA! ang kanyang abilidad sa pagguhit
  • Ang nasabing binatang artist kasi ay may kakayahan na gamitin ang kaniyang mga kamay nang sabay sa pagguhit
  • Bukod sa kakaibang talento, naipamalas na rin ng binata ang iba’t ibang paraan ng pagguhit tulad ng on-the-spot drawing, pagguhit gamit ang kaldero, at iba pa

Karamihan sa mga taong gumuguhit sa papel ay gumagamit lamang ng isang kamay; kaliwa man ito o kanan. Mas madali kasing kontrolin ang pagguhit kung isang kamay lamang ang gamit.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel

Subalit mayroong ilang tao ang may kakayahan na gamitin nang sabay ang kanilang mga kamay sa pagguhit, pagsulat, o sa kahit ano mang galaw na ginagamitan ng mga kamay. Ang tawag sa kakayahang ito ay “ambidexterity” — ang abilidad ng tao na parehong magamit nang sabay ang dalawang kamay.

Ayon sa mga eksperto, 1% lamang ng populasyon sa buong mundo ang maituturing na may ganitong katangian. Ibig sabihin, 70,000 lamang mula sa 7 billion na mga tao sa buong mundo ang may kakayahang gamitin nang sabay ang mga kamay.

Isa na nga rito ang binatang artist na si Jes Rubantes na itinampok kamakailan sa programang AHA! ng GMA Network. Kakaiba kasi ang paraan ni Jes sa pagguhit⁠ — dahil karamihan sa kanyang mga daliri ay may nakakabit na ballpen at saka siya gumuguhit sa papel.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Playground via YouTube channel

Sabay na gumuguhit ang dalawang kamay ni Jes gamit ang iba’t ibang kulay ng ballpen. Kuwento ni Jes, sinubukan lamang niya ang ganitong pagdo-drawing at siya ay nagulat dahil kaya niyang makagawa ng obra gamit ang dalawang kamay.

Ayon pa kay Jes, hindi umano siya isinilang na may ganoon nang kakayahan; bagkus ay pinag-aralan niya ito.

Sa programa ay ipinakita niya ang ablidad. Iginuhit ni Jes ang Pinoy rapper na si EZ Mil, at maski ang AHA! host na si Drew Arellano at ang kaniyang misis na si Iya Villania.

Bukod sa ganitong drawing ay nakagawa na rin ang binatang artist ng iba’t ibang paraan ng pagguhit tulad ng on-the-spot drawing, at pagguhit gamit ang kaldero, bibig, at maski kanyang paa.

Panoorin dito ang buong video: