
- Isa sa mga patok na remembrance noon ang mga litrato na mayroong dedikasyon sa likod
- Sa Facebook, binalikan ng mga young once ang mga gunitang kakabit ng mga larawang ito
- Kuweto ng ilan, naitabi pa nila ang mga munting alaala na ito
Nakatanggap ka na ba ng larawan na may nakasulat na mensahe sa likuran?
Noong panahong hindi pa uso ang mobile phones at iba pang gadgets na mayroong camera, kabilang sa mga nakagawian ng mga tao ang magbigay ng litrato na may nakasulat na dedikasyon o mensahe sa likod.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng isa sa mga admin ang mga sandali ng pagbibigayan nila ng usong-uso noon bilang remembrance sa kaibigan, sa iniibig, at iba pang mga taong naging bahagi na ng buhay nila. Sa in-upload niyang imahe ng larawan na may petsang January 17, 2001, inalala ng mga “young once” ang mga panahong hindi pa selfies at social media posts ang nagiging kanlungan ng mga gunita kung hindi mga nahahawakang memorabilya.
“‘Di kumpleto ang ibibigay mong litrato kung hindi mo lalagyan ng ganito (dedication),” saad ng caption ng litratong may nakasulat na, “Marcus, pls keep this picture as a simple remembrance of mine. Always remember that…if you lost this, you lost me [sic]!”
“‘Please take this picture as a remembrance of our friendship. Don’t forget to remember me. Stay as sweet as you are.’ -ganito ang mga dedication,” pag-aalaala ni ni Liv Tuazon.
“Noong nasa elementary ako, mandalas akong nakakakita nito sa mga high school na tita ko. May mensahe sa mga picture nila ng mga kaklase niya now I understand kung gaano ito kasaya at may segmental value,” wika ni Van Loper.
Kumento naman ni Dante Gabriel, Sr., “I give u a lot of pictures of mine with the same message. Yet, I still lost you.”
