Balik-tanaw: Batang 90s, natatandaan mo pa ba ang kending may kasamang gintong singsing?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Isa sa mga paboritong bilhin noon ng mga bata ang kendi na mayroong libreng singsing na “ginto”
  • Sa post ng isang Facebook page, agad na nagbalik-tanaw ang mga young once matapos makita ang singsing na dahilan daw kung bakit sila bumibili ng nasabing kendi
  • Inalala rin ng ilan ang mga panahong pakiramdam nila ay mayaman na sila dahil sa singsing na iyon

Natatandaan mo ba ang makukulay na kending bilog na mayroong libreng singsing kapag binili? Kabilang ka ba sa mga batang 90s na talagang gumagastos para makaipon ng mga gintong singsing?

Image captured from Facebook

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, agad na nagbalik-tanaw ang mga young once matapos makita ang singsing na dahilan daw kung bakit sila bumibili ng nasabing kendi. Bukod sa masaya sila sa dagdag na accessories dahil sa mga ito, itinuturing din daw nila itong simbolo ng karangyaan dahil pakiramdam daw nila ay mayayaman sila dahil sa laruang iyon.

“Gustong-gusto ko iyong feeling ko kapag marami akong singsing sa kamay,” komento ng social media user na si Jamaica Bañez Ann. “Ang sarap din pati ng mga candy na kasama kahit matitigas. Nagagawa rin hikaw, ilalagay sa tainga.”

“Ito lang sapat na sa amin noon at masayang-masaya na kami. At ito lang naman ang singsing namin at hikaw noon. Oh, ‘di ba ginto pa. Hehehe!” ani Revie Sabado.

“Feeling mo ang yaman-yaman mo na kasi ang dami mo nang singsing na gold,” wika ni Lorz Mabaquiao-Jocson.

“Tuwang-tuwa na ako noon, lalo na iyong kapag makintab pa dahil bago pa. Hahaha! Kapag binabasa, umiitim!” masayang pag-aalaala ni Ludivina Gabriel Saballa.

Biro naman ni Edna Anzaldo Candelaria, “Buti pa nga noong maliit ako may alahas, noong tumanda nagkaalahas nga pero nasa sanglaan naman. Hahaha!”

Image captured from Facebook

Ikaw, ano-ano ang mga gunitang ipinaalala sa iyo ng gintong singsing na libre sa isang maliit na supot ng kendi?