
- Habang seryosong kinukunan ng videographer ang eksena para sa prenuptial video ng mga ikakasal, biglang tumambad ang isang aso
- Tumatakbo rin ito gaya ng couple at sandali pang tumingin sa camera
- Naabala man ang kanilang pagkuha ng video, good vibes naman ang hatid nito dahil sa nakaaaliw na doggy
Bukod sa prenup photoshoot, marami ring mga soon-to-be couples ang nagpapakuha ng prenup video.
Imahe kuha mula sa video ni Jik Quinanan via Facebook
Sa proseso ng pagkuha nito, ginagawa ng video team ang lahat ng kanilang makakaya at inaasam na magiging maganda ang kinalabasan. Subalit may mga pagkakataon na kailangan nilang ulitin ang eksena gaya na lamang ng naging shoot ni Jik Quiñanan ng Team Panda Films ng Cebu City.
Sa script ng eksena, kinakailangang tumakbo ang couple na tila naghahabulan sa may mababaw na bahagi ng dalampasigan ng Santiago Bay Garden and Resort.
Nagbigay na ng hudyat ang videographer sa pagsimula ng take subalit hindi nila inaasahan na biglang may aso na pumasok sa eksena. Tumatakbo rin ito na parang sinasabayan ang couple at napasulyap pa sa camera. Hahaha.

Nagdulot ito ng pagkaabala subalit napahalakhak naman ang lahat dahil sa nangyari. Iyon pala, hinahabol ni doggy ang drone na sabay ring kumukuha ng video sa take na iyon.
Ibinahagi ni Jik ang kuhang iyon sa social media at pinag-usapan agad ang kanyang post. Marami ang naaliw sa good vibes ni doggy dahil bihira ka nga naman makakakita ng aso sa ganoong lugar.
Trending agad sa social media ang kanyang video na humakot na ng 4.5k reactions at 4.8k shares.
Tiyak na inulit nila ang eksenang iyon.

Aso agaw eksena sa isang photoshoot, sa kabila ng ngiti may iniinda palang itong karamdaman
Noong nakaraang taon, isang aso rin ang naging photobomber sa prenuptial shoot. Nang akto nang iki-click ng photographer ang camera, siya namang paglitaw bigla ng asong si Thomas sa harap at natabunan ang couple. Good vibes din ang hatid ng larawang iyon.
Naging pagkakataon na rin iyon upang maipagamot ang aso matapos marami ang nagpadala ng tulong nang nalaman ng mga netizens na may sakit pala ito. Subalit matapos ang ilang linggo, hindi na nakayanan ni Thomas ang kanyang sakit.
Minsan sinasabi nating “aso lang iyan” pero sa mga ganitong nakaaaliw na kuwento, malaki pala ang naitutulong nila upang alisin ang ating mga problema at pasayahin ang ating araw.
Kaya, good job, doggy!