Angelica Panganiban nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa non-showbiz BF: ‘Pinursige ako’

Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram
  • Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Angelica Panganiban tungkol sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan
  • Ayon kay Angelica, pinursige siya ng boyfriend sa mga panahong iniingatan niya ang kanyang puso dahil na rin sa past relationships
  • Sa ngayon ay masaya na si Angelica sa nobyo na suportado ang kanyang career sa showbiz

Kilala si Angelica Panganiban bilang isang magaling na child star noon hanggang sa nagdalaga at naging ganap na binibini sa mata ng publiko. Subalit hindi lang ang kanyang karera sa showbiz ang nasubaybayan ng mga Pinoy kundi pati ang kanyang love life.

Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram

Ilang beses nang nasawi sa pag-ibig si Angelica na ang mga nakilalang naging nobyo ay kasama rin niya sa industriya. Ang pinakahuli na nga rito ay ang kanyang childhood sweetheart na si Carlo Aquino na ngayon ay isa nang ama sa anak nila ng nobya na si Trina Candaza.

Noong nakaraang taon, nasiwalat sa publiko na mayroon nang bagong pag-ibig si Angge matapos niyang makapalitan ng comments ang negosyante na si Gregg Homan, ang may-ari ng isang kumpanyang nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng boats at water crafts sa Subic.

Sa unang araw ng 2021 ay opisyal nang ipinakilala ni Angge si Gregg bilang kanyang nobyo sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Ayon sa 34-anyos na aktres, wala sana umano siyang balak na isapubliko ang relasyon.

Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram

Angelica Panganiban sa rumored boyfriend: “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending”

“Kasi minsan hindi mo nakikita ‘yung point, e. Minsan mas gumugulo kapag mas marami nakikisawsaw na tao. Lalo na hindi naman taga-showbiz ‘yung kasama ko. So, parang gusto mo rin respetuhin ‘yung privacy niya,” ani Angge.

Ayon kay Angelica, ipinakilala niya sa publiko ang nobyo upang maibahagi sa mga taga-suporta.

“Artista ako, so mahirap din naman na ipagdamot ‘yun sa mga tao. Sa simpleng bagay na ganun, kahit papaano nai-share ko, naipakita ko sa tao na, ‘huy, si Bakla, masaya na.'”

Imahe mula kay Angelica Panganiban via Instagram

Kuwento ni Angge, hindi umano siya basta-basta tumanggap ng tao sa kanyang buhay pag-ibig, “parang naging normal na sa akin na may mataas na wall.” Subalit sa pagdating ni Gregg, pinursige umano siya nito.

“Hanggang sa ‘yun, siguro kapag dumating lang ‘yung tao na, ‘Wow, pinursige.’  ‘Yun, pinursige ako. E, wala na ako nagawa. Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya. Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo.”