Wedding ni Dr. Geraldine Zamora at Sonny Abrahan, viral dahil sa suot nilang PPE imbes na gown at barong

  • Umani ng libo-libong reactions ang wedding photos ng dalawang doktor dahil sa kanilang suot
  • Imbes kasi na tradisyunal na kasuotan ng ikinakasal ang suot ng dalawang doktor, nakasuot sila ng personalized personal protective equipment (PPE)

Nauuso na ngayon ang iba’t ibang konsepto o tema ng kasal sa impluwensiya na rin ng makabagong panahon at teknolohiya. Bukod pa rito, nasa ilalim na rin ng “new normal” ang pagpapakasal kaya naman marami nang mga magkasintahan ang nagpapakasal na hindi hango sa nakagawiang tradisyon.

Imahe mula sa Nice Print Photography & Exige Weddings via Facebook

Kamakailan, nagbahagi sa Facebook ang page na Nice Print Photography & Exige Weddings ng mga larawan ng bagong kasal na doktor. Subalit imbes na nakasuot ng wedding gown at Barong Tagalog o tuxedo ang mga ikinasal, ibang outfit ang kanilang isinuot.

Matching personalized personal protective equipment o (PPE) ang suot ng mga doktor na sina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Sonny Abrahan. Kulay puti ang nasabing PPE at mayroon pang naka-embroider na kanilang mga pangalan na tila name plate. Naging mahalagang kasuotan ang PPE lalo na sa mga frontliners sa kasagsagan ng pandemya.

Sina Dr. Zamora at Dr. Abrahan ay parehong interventional cardiologist. Ikinasal sila noong February 19 sa San Pedro Calungsod Parish sa Antipolo City. Ang kanilang wedding photos ay umani na ng mahigit 12,000 reactions na halos puro heart react.

Imahe mula sa Nice Print Photography & Exige Weddings via Facebook

Matatandaan na bago pa ang viral wedding photos na ito, maugong na ang pangalan ni Dr. Geraldine Zamora dahil ito ang dating asawa ni Raymond Racaza, na fiance ngayon ng fashion influencer na si Liz Uy.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: