Vlog ni Alex tampok si Mayor Vico Sotto may mahigit 2.8M views na wala pang 24 oras

  • Sa kanyang latest vlog ay itinampok ni Alex Gonzaga si Pasig City Mayor Vico Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Connie Reyes
  • Sa vlog ay ipinakita ni Mayor Vico kay Alex ang kabuuan ng kanilang opisina at umabot na ang vlog sa 2.8 million views wala pang 24 oras
  • Nagkuwentuhan din ang dalawa tungkol sa mga ginagawa ni Mayor Vico at nanindigan siya na hindi dapat magpasalamat ang mga Pinoy sa mga tulad niyang politiko

Isa sa “most requested” ng fans ni Alex Gonzaga para sa kanyang vlog ay ang maitampok nito si Pasig City Mayor Vico Sotto; ang isa sa mga tinaguriang “millennial mayors” sa panahon ngayon.

Imahe kuha mula sa video ni Alex Gonzaga via YouTube

At kamakailan nga ay natupad ang pinakahihintay ng fans at subscribers ng YouTube channel ni Alex na mapanood rito si Mayor Vico. Bukod kasi sa bibihira lamang mapanood ang alkalde sa mga ganitong klaseng vlog, marami rin ang nais makapanood kung paano niya masasakyan ang mga biro ni Alex.

Wala pang 24 oras ay umani na ng mahigit 2.8 million views ang nasabing vlog ni Alex tampok ang 31-anyos na anak nina Vic Sotto at Connie Reyes. Sa vlog ay mapapanood na nagbigay ng tour si Mayor Vico sa loob ng opisina ng Pasig LGU.

Sa labas pa lang ay makikita na ang linis at aliwalas ng opisina, at mayroon ding mga empleyado na kasalukuyang natatrabaho roon kahit na Sabado nang pumunta doon si Alex. Natanong ni Alex kay Mayor Vico kung bakit pinili nito na maging politician at magsilbi sa bayan.

Imahe kuha mula sa video ni Alex Gonzaga via YouTube

“Eto ‘yung nakita kong opportunity para magpakilala ng mga pagbabago sa lungsod natin [sa Pasig],” ani Mayor Vico. Tinanong din ng aktres kung ano-anong mga hakbang ang isinusulong ng alkalde upang makabangon ang lungod mula sa pandemya.

“Mayroon tayo yung ‘Tapat Program’ natin, then yung tulong and pag-ayuda, pangpuhunan para sa taga-Pasig. Nagbibigay tayo ng small o micro loans,” dagdag  pa ng “milennial mayor.”

Sa isang parte ng video ay nagsumbong pa si Alex tungkol sa malalang traffic sa Pasig na pinatunayan naman ni Mayor Vico na ma-traffic talaga at gumagawa na umano sila ng mga paraan kung paano ito maso-solusyonan.

Imahe kuha mula sa video ni Alex Gonzaga via YouTube

Nagbigay ng donasyon na mga smartphones si Alex mula umano sa Jag bilang tulong para sa mga estudyante sa Pasig. Bukod pa rito, binigyan din ni Alex ang alkalde ng kakaning “biko” katunog ng pangalan nito.

Ipinaliwanag din ni Mayor Vico kung bakit wala gaanong larawan niya sa loob ng opisina.

“Hindi ako mahilig sa mga picture ko. Tsaka kapag project ng LGU, bawal maglagay nung malaking pangalan ko. Kasi pera ng taong bayan yan eh, ba’t ako maglalagay ng pangalan ko?”

“Wala tayong utang na loob sa mga politiko, puwede tayong magpasalamat dahil sa ginawa nating proyekto pero wala tayong utang na loob, iba ‘yun eh,” ani Mayor Vico.

Panoorin ang buong vlog dito na umabot na sa halos pa-4M views:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: