Update sa dating palaboy sa Cebu na si ‘Berta,’ isa na ngayong volunteer staff sa recovery facility

  • Nag-viral at tinutukan ng maraming Pinoy sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kuwento ng palaboy noon sa Cebu na si “Berta”
  • Sa tulong na rin ng isang vlogger at ng KMJS, na-admit sa isang recovery facility si Berta at dahil dito ay bumuti ang kanyang kalagayan
  • Ngayon isa nang volunteer staff si Berta sa nasabing recovery facility

Maraming Pinoy ang tumutok sa kuwento ng palaboy sa Cebu na si Roberto Planado Jr. o mas kilala sa tawag na “Berta.” Bago pa man naitampok ang kanyang kuwento sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang Disyembre, una nang nag-viral ang video ni Berta habang nakikipag-usap ng Ingles.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo Jessica Soho via YouTube channel

Halos 17 taong nanirahan si Berta sa mga kalye sa Cebu at nabubuhay lamang sa pamamagitan ng panlilimos sa mga residente. Maraming mga Pinoy na hiningan ng pera o pagkain ni Berta ang namangha sa kanyang galing sa pakikipag-usap ng purong Ingles.

Sa kanyang kuwento sa KMJS, dating guro si Berta at dahil sa pagkakasawi sa pag-ibig ay nawala siya sa tamang pag-iisip. Sa lansangan naman nakilala ng vlogger na si Anton Camilo si Berta na itinuturing niyang “kuya.”

Sa kagustuhang mas matulungan ang kanyang Kuya Berta, humingi ng tulong si Anton sa isang treatment facility upang dito manirahan si Berta at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Imahe mula sa CDN Digital via Facebook page

Pagkatapos ng isang buwan na paninirahan sa Safe Haven treatment recovery village, labis na nag-iba ang hitsura at aura ni Berta. Kung noon ay gusgusin at madumi siya, ngayon ay malinis at maaliwas na ang kanyang itsura.

Maayos na rin kung makausap si Berta at ngayon ay isa na rin siyang volunteer staff sa recovery facility kung saan siya kasalukuyang naninirahan.

Kamakailan, ibinahagi ng Cebu Daily News Facebook page na natanggap na ni Berta ang kanyang official ID bilang volunteer staff. Nagbahagi rin sila ng kasalukuyang larawan ni Berta at makikita mula rito ang labis na pagbabago sa kanyang pisikal na anyo — nakangiti at puno ng pag-asa.


Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: