Sharon Cuneta ibinahagi ang #NoEditing na larawan ng kanyang mas fit na katawan

  • Sa kanyang social media ibinahagi ni Sharon Cuneta ang latest picture ng kanyang mas fit na body
  • Ayon sa Megastar, walang editing na ginawa sa larawan ng kanyang mas slim na katawan
  • Matatandaan na isa sa mga goal ni Sharon ngayon ay magpapayat sa pamamagitan ng healthy lifestyle at pag-eehersisyo

Isa na marahil sa mga kinakaharap na pagsubok ng kababaihan na nagsilang ng sanggol ay ang pagbabago ng kanilang pangangatawan. Kung noon kasi ay kaya nilang magpaka-seksi at magsuot ng mga fit at maliliit na damit, sa kanilang panganganak ay magdadaan sa matinding pagbabago ang kanilang katawan.

Imahe mula kay Sharon Cuneta via Instagram

Lalo na sa mga mommies na nanganak na nang ilang beses, mahirap na para sa ilan sa kanila na ibalik ang kanilang payat na pangangatawan noong kanilang kabataan. Sa industriya ng showbiz, ang mga ganitong klaseng pagbabago sa pangangatawan ng mga aktres ay halatang-halata lalo na kung lumaki sa mata ng publiko ang babaeng personalidad.

Tulad na lamang ng tinaguriang “Megastar” na si Sharon Cuneta na simula noong pagkabata hanggang ngayon na siya ay isa nang ina ay natunghayan ng mga Pinoy. Kung noong kanyang kabataan ay balingkinitan ang katawan ni Sharon, sa kanyang pagtanda ay hindi niya maipagkakailang lumobo ang kanyang pangangatawan.

Kaya naman ngayong taon, isa sa mga resolution ng Megastar ay ang mabawasan ang kanyang timbang.

Sa kanyang social media account ay nagbabahagi ang beteranong aktres ng kanyang mga fit regimen kasabay ng kanyang pag-eehersisyo.

Imahe mula kay Sharon Cuneta via Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ni Sharon ang kanyang post-workout picture kung saan mahahalata ang mas fit niyang katawan kumpara noon.

“Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!” ang inilagay na caption ng aktres kasabay ng hashtag na “No Editing” upang una nang ipaalam sa mga bashers na hindi photoshopped ang kanyang litrato.

Marami namang netizens ang humanga sa pagbabago sa pangangatawan ni Megastar. Maski ang kanyang mga kaibigan sa showbiz ay nagparating din ng suporta sa “weight loss journey” ni Sharon.

Matatandaang noong unang linggo ng Enero ay nagbahagi si Sharon ng larawan na nakasuot ng swim suit na may caption na:  My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore. Please pray for me. Then WATCH ME. Hah!”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: