SB members na sina Aira, Grace, at Jopay, humingi ng saklolo sa NBI dahil ginugulo ng nagpapanggap na ‘fan’

  • Pumunta sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kilalang Sexbomb dancers na sina Aira Bermudez, Grace Nera at Jopay Paguia upang magreklamo
  • Mayroon kasing nagpakilalang “fan” na matagal nang ginugulo ang personal na buhay at pamilya nina Aira, Grace, at Jopay
  • Bukod sa hindi magagandang salita, ginagamit din ang kanilang pangalan sa pagsasagawa ng mga online transaction

Karaniwan na ang pagkakaroon ng mga tagahanga o fans ng mga personalidad tulad ng celebrities. Subalit bukod sa fans, mayroon ding mga taong hindi sila gusto at pilit na nagsasabi ng hindi magagandang mga salita, at ito nga ay ang bashers.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Pero paano kung ang nagpakilala palang isang “fan” ay higit pa sa isang basher na gustong guluhin ang personal na buhay ng personalidad? Ito ang idinulog ngayon ng SB members na sina Aira Bermudez, Grace Nera at Jopay Paguia sa National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan.

Sa ulat na inilabas ng 24 Oras, taon na raw ang binilang nina Aira, Grace, at Jopay sa panggugulo ng bashers sa kanila sa pamamagitan ng pag-iiwan ng hindi magagandang salita lalo na sa kanilang social media accounts. At nito nga ay lalong lumala ang pinaghihinalaan nilang iisang basher dahil pati pamilya nila ay dinadamay.

Kuwento ng tatlo, gumamit ng iba’t ibang social media accounts ang basher, at hinala nila ay iisang tao lamang ito.

“Lumapit kami sa NBI para lang ‘yong mga fake accounts na ginagawa, malaman natin kung sa kaniya nanggagaling lahat kasi sobra na ‘yong ginagawa niya eh like may koneksyon na sa family namin,” ani Aira.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kuwento naman ni Grace, mayroong isang nagpakilalang fan na nagprisintang ituro ang taong nanggugulo sa kanila subalit ang kapalit nito ay bigyan siya ng trabaho bilang kasambahay.

Ayon kay Grace, nagkamali umano siya nang maawa sa nasabing “fan” at gawing kasambahay dahil nadiskubre niya nang minsang tawagan ang numero ng basher ay ang cellphone ng nagprisintang fan ang tumunog.

“Nakita ko ‘yung hitsura niya, gulat na gulat siya. Kinabukasan, umalis siya nang hindi nagpaalam sa akin,” ani Grace.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Bukod sa panggugulo kina Aira, Grace, at Jopay, ginagamit din umano ng basher ang kanilang pangalan sa online transactions. May mga natatanggap daw umano silang cash on delivery packages na hindi naman sila ang umorder.

“Kung sa tingin mo nalilinlang mo kami, naloloko mo kami, napapaikot mo kami, ang batas hindi mo mapapaikot ‘yan. Mahuhuli’t mahuhuli ka,” pagbabanta naman ni Jopay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: