‘Sasali ka sa Tinder because?’ Kris Aquino sumali sa dating app na Tinder, sinabing aprubado ito ng anak na si Bimby

  • Inanunsyo ni Kris Aquino sa kanyang Facebook page na handa na siyang sumabak sa online dating app sa pagsali niya sa Tinder
  • Bago pa niya mapagdesisyunan ang pagsabak sa dating app, hiningi muna niya ang permiso mula sa bunsong anak na si Bimby na pumayag naman
  • Maraming surpresa si Kris para sa darating niyang 50th birthday sa February 14

Matatandaan na napabalitang maraming Pinoy ang sumabak sa iba’t ibang online dating app at sites nang mag-umpisa ang pandemya. Kabilang ang pagsali sa online dating sa mga nagbigay-aliw para sa ilang Pinoy habang naka-community quarantine ang buong bansa.

Imahe mula kay Kris Aquino via Facebook

Maraming online dating app ang kilala sa panahon ngayon, kabilang na rito ang “Tinder,” kung saan nauso ang “swipe left and swipe right.”

Sa pagsali sa Tinder, makikita ang mga miyembro rin mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maski sa ibang bansa. Kung nagustuhan mo ang larawan ay swipe right, kapag hindi naman ay swipe left.

Kamakailan sa kanyang Facebook page, nabanggit ng aktres at TV host na si Kris Aquino na susubukan din niya ang pagsali sa Tinder dahil isa ito sa mga sponsors ng Shopee.

“Here’s the P.S. on February 12, that’s Friday at 7 PM I’m going LIVE for people I really love– my @shopee_ph FAMILY. You can watch me via their FB page or you can watch on my FB page… bago kayo mag react, uunahan ko na, hindi ko kayang mag NO sa Shopee, the event is co-sponsored by Tinder,” ani sa post ni Kris.

Imahe mula kay Kris Aquino via Facebook

Subalit bago pa umano siya mapapayag sa pagsali sa Tinder, hiningi muna umano niya ang permiso ng 13-anyos na anak na si Bimby.

“I asked Bimb’s permission and he said, ‘sure, mama, you have my blessings’ (iba na talaga ang mundo). So on Friday when I create my profile, jojowain o totropahin n’yo ba ko? Ready to swipe right?”

Sa darating na February 14 ang ika-50 na kaarawan ni Kris, ngunit bago pa man dumating ang araw na ito ay marami na siyang naibigay na surpresa lalo na sa mga fans at followers ng kanyang social media.

“Last Friday I did special individualized greetings for 200 people. Yesterday for 11 hours, I finished the next 200. Yes, I’ve really grown up, those video greetings will be sent out on Valentine’s Day, my birthday, but I finally realized life isn’t about me, it’s about the unique gift I’ve been given, I know how to connect, start a conversation, and be interested in the lives of others.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: